Am I bad if hindi ako pumayag na kasama ni mother in law ang isa pa niya apo?

Long post ahead..... Dapat kasi mga mamsh pabalik na ulit dito sa house namin ni hubby yung mother in law ko pero hindi na natuloy dahil hindi nga po ako pumayag na kasama ang anak ng brother ni hubby. So bakit hindi ako pumayag kwento ko lang muna yung situation namin. Andito sa amin yung fam ni hubby si father in law, 2 brother in law and 1 sister in law ko. Lahat ng kapatid niya na nandito is mas bata kay hubby pinapaaral namin yung isa while tumutulong tulong sa business namin. And si father in law and yung isa pa brother in law ko (tatay ng bata) nag wowork naman sa business namin means siniswelduhan namin syempre. So itong si brother in law ko (tatay ng bata) is sabihin na natin na wala naging matinong relationship lagi hiwalay sa partner and padalawang anak niya na to at si mother in law ko nagpalaki sa bata 4 yrs old na ngayon. Kami naman ni hubby dalawa ang anak 5 yrs old and 3 months old baby. So kaya po pupunta dito si mother in law para may makatulong sa pag aalaga sa mga anak namin but hindi nga matuloy tuloy kasi ang gusto niya kasama ang pamangkin namin reason bakit hindi ako pumapayag is palagi po kasi nag aaway yung eldest ko at si pamangkin kapag nagbabakasyon siya dito syempre bata hindi nagkakasundo minsan then away na at may isang iiyak sa kanilang dalawa. Yes I know na ganun talaga kapag bata lalo na mag pinsan sila pero may time kasi na nakakapagod talaga umawat or pagsabihan sila dalawa lalo at may 3 months old baby pa ako then hindi naman agad ako makatayo para awatin sila kapag nag iiyakan or nag aaway na ending mapapasigaw ka na lang. Mas tahimik kapag sila lang ng dalawa kong anak. Kaya naman namin need ng help ni mother in law is minsan may need ako importanteng gawin or lakarin for business saka ibang bagay pa and wala talaga mapag iiwanan at magbabantay kay baby like last week family day ni eldest sa school and sila lang ng daddy niya nakapunta at naiwan kami ni baby dito sa bahay dahil mainit sa school at baka makakuha pa ng virus/sakit si baby kung sasama pa kami. Dapat yung plan is maiiwan si baby kay MIL pero hindi na nga natuloy dahil sabi niya if hindi daw pwede dito sa amin si pamangkin dun na lang sila sa province nila kasi nakakaawa na ang bata dahil wala daw mag aalaga. Pero nandun kasi si pamangkin sa family ng mommy (ofw) nito at kinuha lang ni mother in law ang bata dun. So ngayon kinuha niya tapos dito naman niya dadalhin sa amin kahit meron naman talaga mag aalaga sa bata ayaw niya lang ibigay dun kahit alam naman niya na need namin ng help niya ngayon hanggang makalaki lang ng konti si baby no 2 namin lagi po kasi nakadikit si baby sakin at wala na po talaga ako iba nagagawa kung hindi siya lang magpalapag man siya ilan minutes lang. Naiintindihan ko naman ang situation ng bata yes nakakaawa din talaga kasi broken fam na nga hindi pa maalagaan ng sariling magulang niya at napamahal na rin si mother in law dahil siya na tumayong ina dito. Yes po andun na tayo sa nakakaawa but hindi na namin siguro responsibility ni husband ang matter na ito. before naman pumapayag ako na mag stay ang bata dito kahit matagal kahit hindi bakasyon pero iisa pa kasi anak namin nun but this time kasi dalawa na ang anak namin ni hubby. So ngayon sinasabi sakin ni hubby na baka bigla magkasakit dun tapos wala kasama kung hindi yung bata lang so gusto niya papuntahin na dito mother niya but still ang sabi ko go basta hindi isasama si pamangkin pag pinapunta niya dito ayan pa rin ang stand ko. Syempre may konting sama din talaga ako ng loob kasi kami naman na yung tumutulong sa buong fam nila sa financial nilang pangangailangan hindi sa nanunumbat kasi pinag ttrabahuhan naman ng father at brother niya yun pero kung hindi pa rin dahil sa amin wala silang work tapos hindi niya kami mapagbigyan sa kanya kasi napupunta lahat ng sahod ni father in law walang bawas buong buo wala naman na siya pinapaaral na samin na. Konting tulong and adjustment lang sana hindi naman sobrang tagal e ngayon lang. Pasensya na po sa makakabasa dito lang talaga ako may lakas ng loob ilabas lahat ng nararamdaman ko e dala pa rin siguro to ng pospartum. Thank you sa time ng makakabasa! Godbless po.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mi tama lang naman yan, para sa peace of mind mo din. and remember house niyo yan so ikaw ang may boses hindi mother niya... dapat irespeto nila yun, lalo at kakapanganak mo lang din pala. mahirap talaga yung sitwasyon, sana maintindihan ng hubby mo din pov mo at hindi puro side niya ang papakinggan niya, yung tatay ng bata ano po ba sabi? sana siya din makaintindi hindi puro sarili nila iniisip nila... kaya nga tayo bumukod para makapag desisyon, makagalaw ng malaya malayo sakanila. kaso sa sitwasyon mo mi ang hirap... basta stand your grounds, wag ka papadaig kung ano desisyon mo yun dapat masunod.

Magbasa pa

Kumuha k nlng ng yaya