Postpartum Depression
Hi po. FTM here @ 5 weeks PPD. Nadeliver si baby via CS per advise ni OB. Since nanganak ako, nakakaramdam na ko ng sobrang daming anxiety patungkol sa sitwasyon and sa sarili ko. Sobrang love ko ang baby ko pero nahihirapan ako mag-adapt sa sitwasyon. Lagi kong naiisip na hindi ko n talaga maibabalik yung dating ako - working and social. Husband and mom helps pero pag di na nila trip kargahin so baby, lagi nilang binabato yung ako lang ang meron which is gutom or gusto na magdede ni baby, and ang ending, ilang araw na akong pagod and walang tulog. Dumadating ako sa point na minsan iniisip kong mali yung desisyon na magbaby and gusto ko magreset, alam ko naman na walang ganun. Nasstress lang talaga ako. Don't get me wrong, again, sobrang love ko si baby. How do you exactly cope up with PPD? π



