Valid ba ganito nararamdaman ko bilang wife?
Share ko lang po kahit madaling araw na .. kasi ngayon ko lang nakita... 14years na kami together at almost 9years na kami kasal.. Simula nanganak ako hindi na kami ganon ka intimate ni hubby.. Pero kasi naniniwala kami na iba na bonding namin as husband and wife.. na unconditional na talaga.. alam ko naman kelangan din ng sex may pangangailangan tayo pati husband natin.. at willing naman ako ibigay Sakanya yun anytime.. kahit nga nakakahiya nagbibigay pa ko ng hint Sakanya.. Pero siya parang ayaw pa niya dami niya dahilan... Then eto nakatulog siya tapos naka play yung phone niya while nakaheadset siya.. siyempre iooff ko phone niya sayang kasi sa battery yun yung dahilan ko.. di ko inaasahan nanunuod pala siya ng Porn.. Ansakit mga mommies kasi andito naman ako kung gusto niya.. Pero mas pinili niya manuod.. Valid ba to pakiramdam ko?... May depression and anxiety ako noon pa man at ngayon nasasaktan ako.. Breastfeeding mom ako at aminado naman ako I gained weight.. tabingi din dede ko kasi nga nagpapa BF ako.. feeling ko Tuloy pumangit na talaga ako ng bongga.. naiiyak ako while tinatype ko eto . Ansakit kasi sakin.. tutok ako sa mga anak ko . Di naman din ako nagpapabaya sa sarili ko.. alam ko din worth ko bilang babae .. bilang nanay.. Pero masakit pala Yun ganito.. kala ko Unconditional love na meron kami.. Pero feeling ko kahit indirectly.. parang niloloko na niya ako.. 😔 feeling ko undesirable na ko.. Pasensaya na napahaba.. masama kasi loob ko po



