Labor 37 weeks and 5 days EDD: SEPT 22, first baby

Hello po, pano nyo po masasabing labor na po yung nararamdaman nyo? Ako po kasi 37 weeks and 5 days, nakakaranas po ako ngayon ng pananakit ng buong tiyan na parang matatae pero di naman masakit din puson at balakang lalo na po pag gabi pero wala pa pong discharge na brown or mucus plug, puro white and yellow discharge pa lang. Di pa po makapagpacheck up kasi sept 10 pa schedule ko ng checkup for monitoring. #AskingAsAMom #firsttimemom

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same experience po. Nag ask ako kay OB last Aug 27, sabi kapag ganyan daw maaring di pa nagla-labor. Lumalaki daw kasi si baby kaya baka yung cause ng pain at hilab sa tyan at puson (na hindi naman continuous) ay yung bigat niya. Di rin ako na-IE pa. Kapag full term na daw ako tsaka ako i-IE. Pero nag-req siya ng another ultrasound to be checked daw next check up ko which is Sept 11.

Magbasa pa

Same here po. Sept 8 pa po EDD if based sa LMP & Sept 23 nman po EDD if based sa utz. Kaka check up ko lang kanina, 1cm na daw open cervix. Ngayong gabi lang nag start na Medyo may unting cramps na nararamdaman, pero nawawala din naman, medyo masakit sa bandang likod, tapos panay ihi na din. Puro white discharge lng nman. Signs of labor na po ba to?

Magbasa pa

Depende po kasi ang pag lalabor mommy, may iba na hindi nila nafefeel ang sakit pero nasa 7-9cm na pala, may iba naman masakit. Kapag may lumabas na discharge meaning po nag open na ang cervix niyo hindi ibig sabihin na masakit agad agad. Ikaw lang po ang nakakaalam po sa nararamdam po

37 weeks din ako, and lumabas na panubigan with contractions na pero tolerable. itutulog ko lang as per my OB. may post din pala siya para iobserve mo... eto po

Post reply image

same tayo edd mhie ganyan din po feel.ko.pero kahapon sa check up ko 1cm na daw open na kaya niresetahan ako primrose at isa pa gamot😊

same po tyo mie wait ko lang din ung sobrang sakit tska discharge.. nawawala din kasi

same po tayo