pagsusuka
Hi mommies! Sino po dito may experience ng malalang pagsusuka dahil sa pregnancy? Share your stories. Ano po ginawa nyo para mabawasan pagsusuka? Sa anong pagkain ka nasusuka? ? Posted: 04/21/20


ako po nung una panay ang suka as in lahat ng tinatake ko na food. may nabasa ako unti unti pero mayat maya ang kain ang problema lagi akong gutom tska ung kabag d maalis alis dumuduwal pdin ako madalas hangin or acid ang hirap
Small frequent meals, ice chips, and avoid ng triggers. Pero if sobra sobra ung pagsusuka, ppacheck up kayo sa ob.. May tinatawag na hyperemesis gravidarum, kapag ganun kailangan gamutin para sigurado ang safety nyo mag ina..
meeee. 1st trimester up to 2nd trimester. lactose intolerance. as in every meal suka. kahit ung food na gustong gusto ko suka parin. kaya every before meal may pinapainom sakin na gamot si ob. i forgot lang the name :)
Dahil sa hyperacidity at heartburn. Halos wala na ko kinakain. Nabubuhay ako sa skyflakes at candy lang. Napasok pa naman ako sa work kaso naparesign nalang ako dahil sobrang hirap ako pumasok dahil sa pagsusuka ko. Skl.
so so relate.. ganito din sa 1st baby ko.. mas malala pa, kc di talga ako kumakain,kc pgkumain mghapon pag susuka na, ngayon 3mos preggy for 2nd,same padin..pro kumakain na kahit konti,minsan lang din isinusuka..
Wala na ko makain na matino 🥺 di naman ako yung malala sumuka pero lagi ako yung parang susuka na. Lalo pag ayoko amoy, kaya ginagawa ko tinitigilan ko nalang talaga. Kaso ayun nga lang, wala na ko makain 😂
Simula 1st trimester ko hangga't sa nanganak na lang ako ganun sya kalala, ang ginagawa ko noon para mawala sya kahit papano frequent eating crackers at ice cubes. Sana pag magbuntis ulit ako di na ganun. 😅
Halos lahat ng kinakain ko sa almusal, isinusuka ko. minsan nkainom nako vitamins, maisusuka ko nrn. kaya pag feeling ko nasusuka ako, kumakain ako mtamis, ska umiinom ng malamig. ung sakto lng pra di masuka.
Simula ng nagbubuntis ako grabe pagsusuka ko 2pagkain para sa akin ang nakatulong para makaiwas ng konti sa pagsusuka, melon at pakwan😊, saka malamig na tubig pa pala, tapos the rest lahat naisusuka ko na
Me, until four months ata ako suka parin .. no specific food bsta mka amoy ng ginigisa bumabaliktad sikmura ko, tpos pag kakain ng heavy meal, after non suka agad. sweets lng nkakain ko pra di masuka 😊




Dreaming of becoming a parent