pagsusuka

Hi mommies! Sino po dito may experience ng malalang pagsusuka dahil sa pregnancy? Share your stories. Ano po ginawa nyo para mabawasan pagsusuka? Sa anong pagkain ka nasusuka? ? Posted: 04/21/20

pagsusuka
166 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Halos lahat ng food sinusuka ko. 12 weeks n ganun prin. Pero gngwa ko ngaun pgnasusuka nko kumakain nko ng maasim n mangga or candy. But sometimes di prin maiwasan. Sobrang sakit pag nagsusukaπŸ˜₯πŸ˜₯πŸ˜₯

lahat ng kinakain ko noon sinuka ko umaga hapon gabi suka πŸ˜… kaya ako panay din ang kain para may maisuka hahaha πŸ˜‚ kaya nung nasa 2nd trimester ako bawi talaga ako ng pagkain eh sarap kumain momsh

ako momshe kahit anu kainin ko cnusuka lhat, sa kamatis at pipino lng ako hindi nasusuka kya yun lng kinakain ko til now pag nakakainom ako ng soft drinks cnusuka ko parin khit 8months na tummy ko.

yes ang hirap kapag ganito po. ang ginagawa ko di ako masyadong nag papakabusog. nawala siya nung 4 months ako. kaya naman iwasan wag lang talaga biglain pag nagsuka ka ayun yung say saken ng ob.

VIP Member

super relate. hanggang manganak ako nun. d ako makakain ng maayos. pag kumakain ang ng rice and friend. suka ako ng suka. lalo na pag matamis, at maalat. nakakain ko lang steam, ihaw, or yogurt.

Kahit anong pagkain okay lang sa akin problema lang, pagkatapos kumain sinusuka lahat. Pati tubig. Umaga, tanghali hapon at gabi. Kaya noong first trimester ko, matamlay na matamlay ako.

light meals ka lang palagi and more on sour at malamig. nakakabawas sya. and make sure na kada pagkatapos mo magsuka, iinom ka para hydrated ka. lilipas din yan pag nasa 2nd trimester ka na.

Ako po nasusuka ako pag masyado madami nakain at na blo bloated ako. Kaya di na ako kumakain ng biglaang kain at madamihan unti unti lang at small bites na lang para di mabloated at magsuka.

Ako po..grabe,teacher kasi ako so noong may pasok at klase pa, every after 1 hour na tapos ng scheduled class ko, diretso ako sa cr, suka talaga..minsan naman need munang sumuka bago kumain

Bihira lang ako naka experience ng pagsusuka before more on duwal lang bc sensitive yung pang-amoy so always akong naglalagay ng katinko sa ilong ko kasi nakakarelax din at the same time.