Can't drink maternal milk
Hi mommies, ok lang po kaya na hindi uminom ng any maternal milk? Hindi ko kasi talaga kayang inumin, binilhan ako ni hubby ng enfamama, bonina at anmum sinusuka ko lahat🥺 Coffee lang po talaga ang kaya kong inumin na di ko sinusuka,hindi po ba makakaapekto kay baby yun?

try niyo po anmum chocolate. Ginagawa ko inuuna ko siya inumin sa umaga pag gising ko hindi ko siya sinasabay sa almusal para di ako masuka. inaanuhan ko lang ng mainit na tubig okay naman lasa niya hindj matamis kaya nagustuhan ko rin.
kahit yung chocolate flavor na enfamama, mommy? pag di talaga kaya, better report sa OB para mabigyan ka ng calcium supplement. need mo ng calcium, di makakatulong yung coffee. bones mo ang madadale pag di nakakuha ng sapat na calcium.
Di ko rin kayang uminom ng milk kasi nasusuka ako sa gatas. Don't miss your prenatal meds mama and you should be ok. Sinuggest saken na dapat sa gabi i-take yung prenatal meds before sleeping para di mo siya masuka durinf the day.
ok Lang po no maternal milk basta naiinom mo Yung mga vitamins na nireseta sayo ako Kasi Di ako niresetahan nyan dahil possible na tumaas lalo sugar ko right now po nakainsulin po ako to control blood sugar and low cab diet
,kung dpo kayu hiyang sa mga milks po mother,try nio po ung anmum na chocolate flavor,okay dn Naman po lasa nun,Kasi po Hindi maganda pag caffeine po tlga eh,makakaapekto po Yun Kay baby Lalo pag inaraw araw
Pareseta ka calcium tablet sa Ob mo ganyan din ako sa first baby ko maiinom ko nman pero isusuka ko after dumating sa point na pati tubig kaya ginawa ng OB ko pocari sweat ang naging tubig ko kada masusuka
in my case po hindi ako uminom ng maternal milk sa 1st and 2nd baby ko. wala naman pong sinabi sakin yung Ob ko that time na uminom talaga ng maternal milk. complete naman po reseta nyang vits noon.
1 cup a day lang ang coffee.. ako ginagawa birch tree haluan ko ng konting coffee para lang di ko masyadong malasahan ang gatas ,simula kasi nung nagbuntis ako ayaw na ng panglasa ko yung gatas.
Pilitin nyo po. Yung milk na yan is may help sa development ni baby habang nasa sinapupunan ninyo at sa inyo rin mommy. Try po na pakonte konte ng timpla hanggang maka adjust. ^^
Try Prenagen Choco and Anmum Mocha Latte baka magustuhan mo po. ako po Coffee Lover talaga, pero simula nung nagbuntis ako, cut out talaga ang Coffee sa daily foods ko


