Can't drink maternal milk

Hi mommies, ok lang po kaya na hindi uminom ng any maternal milk? Hindi ko kasi talaga kayang inumin, binilhan ako ni hubby ng enfamama, bonina at anmum sinusuka ko lahat🥺 Coffee lang po talaga ang kaya kong inumin na di ko sinusuka,hindi po ba makakaapekto kay baby yun?

47 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Rather than coffee try mo Cowhead, Sa first baby ko diko din keri uminom nyan malansa kasi. ginawa ko cowhead lang talaga yung blue, pag labas ng baby ko 1 day palang nag sside na sobrang lakas ng buto. pero make sure yung mga vitamins mo naiinom ng maayos. tapos wag kana uminom ng kape mi. try mo din mag buko once a day. pag nanganak ka mabilis walang kahirap hirap.

Magbasa pa

ganyan din ako nung una nasusuka (anmum chocolate flavor) nung tapos nako mag lihi tsaka ko tinuloy ayun di nako sumuka pero naitigil ko simula nung nag third trimester ako may nabasa kasi ako sa fb na nakakatagal daw ng pag lalabor idk kung totoo nasa sainyo na kung maniniwala kayo pero ako hindi naniwala tinigil ko lang talaga, pero lagi ako nainom calcium

Magbasa pa

Hello mommy! Iwasan mo muna ang pagkakape dahil may mga epekto itong hindi maganda habang nagbubuntis. Marami namang powdered products na di nagtataglay ng caffeine. Pero kung hindi mo pa maialis ang iyong cravings sa kape. Try mo itong coffee flavored milk ng Anmum. Check mo dito mommy: https://c.lazada.com.ph/t/c.1GSwau?sub_id1=QnA&sub_aff_id=Expl%2CoreMore

Magbasa pa
VIP Member

sa umpisa lang yan mhie naninibago ka sa lasa pero pilitin mong umiinom ng maternal milk dahil pang brain development yan kay baby. masama po ang coffee sa buntis kahit manood ka sa YouTube yung mga vlog ng mga Doctor about food and drink. kailangan masustansya ang inumin mo para healthy at good develop ang organ at body ni baby.

Magbasa pa

Ako mommy hindi talaga umiinom ng milk pero yung nabuntis ako uminom ako ng anmum chocolate syempre para kay baby. ang gawin mo na lang tinplahin mo ng malamig saka lagyan mo yelo and isabay mo sa snack para di mo malasahan yung gatas saka malamig hindi nakakasuka. mas okay ang anmum yung ibanv maternal milk di talaga masarap hehe

Magbasa pa

Coffee is a big no but I ask my OB sabi nia 1 cup a day max but as much as possible no cafeine, as for maternal milk di naman sia recommended ng OB ko pero kung gusto ko raw uminom 1 cup max lang reco nia pero pwede naman wala at may vitamins naman ako to suffice ung needed ng body

Never akong uminom ng maternal milk sa buong pregnancy ko kasi hindi naman din inabiso sa akin ng OB ko. ako pa nga nagtanong kung bakit hindi. sabi niya kasi nagva-vitamins na rin naman ako ng oral. masama raw ang sobra-sobra. had a smooth pregnancy and a well-baby. Pass sa coffee. not good yan

Isa talaga to sa mga sacrifices natin as a mommy. Give up muna po natin coffee. Hindi madali pero para kay baby. 🙂 Yun sa gatas po, baka dahil sa naglilihi pa po kayo? Natry nyo po Anmun Hazelnut Flavor ba yun. Parang kape rin hehe. Maging consistent rin po sa vitamins. 🙂

Try mo rin magtea mommy upang maiwasan ang pagsusuka. Safe naman ang pag-inom ng ginger tea while pregnant. Make sure nga lang na in moderation ang intake nito. Check mo itong Twinnings Lemon Ginger Tea: https://c.lazada.com.ph/t/c.1GSwXN?sub_id1=QnA&sub_aff_id=ExploreMore

ako din umiinom ako ng coffee pero 1cup per day lang talaga kahit gusto ko pa pinipigilan ko since masama ang sobra, okay naman si baby kada check up. hindi din ako umiinom ng maternal milk pero make sure na iniinom ang vitamins ☺️.