rashes? or what?
hello mga mommies! ano po kaya itong nasa paligid ng labi ni anak? bka po my nakakaalam. Ngayun lng po nagkaganyan, kninang tanghali napansin ko na sya.. until now meron pa din, kla ko dumi lng.. kahapon ay mukang wala pa sya..

hindi nio napansin na nagsipsip sia ng something na pumasok ang bibig nia para magvacuum? ganyan kasi itsura ng sa anak ko. paguwi ko ng bahay galing work, nagulat din ako at natakot, bakit nagkaganun ung paligid ng mouth nia. eh kahapon nun ay wala pa un. ang kwento ng lola nia, nagsabi ang anak ko ng magic (ahaha), tapos sinisipsip ang bilog na laruan niang sandok, ung navacuum ang bibig para hindi mahulog. kaya magic kasi hindi raw mahuhulog ang sandok sa bibig nia. ahaha. kaya tinago ng lolo nia ung laruan. ahehe. nawala naman after ilang araw.
Magbasa pa



Queen of 2 energetic boy and 1 girl❤️