Large for gestational age
Hi mga mii! Meron po ba dito na kinaya ang normal delivery kahit na 3.5kg pataas si baby? Ang laki na kasi ng baby ko huhu. 2.5kg na sya 32 weeks pa lang. If di kasi mapigilan yung paglaki nya, baka magpa-cs na lang ako kesa pilitin mag normal tapos mag end up sa emergency cs. Please share your experiences po!

hi mhie ako ung first born ko 3yrs old na this coming Feb and now preggy ulit ako for 2nd due date ko naman April, ung first baby ko nag 3.7kg siya kinaya ko naman normal kaso ang hirap ilabas kasi malaki c baby Tama nga sinasabi nila na wag masyado palakihin c baby sa loob ng tummy natin kasi tayo lang din mahihirapan kaya itong 2nd baby ko talagang nag didiet ako okay lang kahit hindi katabaan c baby pag labas para di naman tau mahirapan bawi nalang tau pag labas ni baby tyaka na natin patabain pa hehe
Magbasa padepende yan mi sa sipit sipitan mo kung kakayanin mo. as long as hindi ka naman siguro high risk or okay ang posisyon ni baby. It's possible makayanan mo. pero ako kasi nanganak ako sa baby ko 2.5Kgs lang sya @39 weeks ko sya pinanganak hirap na hirap ako at grabe ang tahi ko halo maabot na sa pwetan😅
Magbasa paAko ngayon sa bundo, unmedicated normal birth... 3.9kgs siya wala pa 30 mins labas agad si baby. Basta iset mo mindset mo mii na kaya mo, positive lang lagi... makakayanan mo yan... wag pangunahan ng takot at kaba.
yes mi kaya namn Po sya e normal delivery expect nyo lng Po Malaki hiwa tlaga mas ok din mag normal delivery mi mas mabilis Ang healing promise mo mas makkagalaw ka para mAalagaan SI baby
Ayun nga po, mas mabilis daw ang recovery ng normal delivery kesa cs. Kaya sana talaga mi mainormal ko. Pero kung ano ang sasabihin ng ob na pinaka okay para kay baby yun ang gagawin ko. Basta safe sya.
Ako po kapapanganak ko pa lang nung Dec 1, 2025 sa 3rd baby ko 4.1kg breech via normal delivery po.. yung 1st born ko 2.4kg tapos yung 2nd born 3.2kg lahat po sila normal..
yes mii baby ko 3.8 normal delivery without swero mii tamang parang nanganak ka lang sa bahay, wlang nilagay sakin na swero o ininsert sa pwerta ko. Sariling sikap 🥹
you mean mam home birth Po kayo?
3.9kg baby girl ko. Nagpa CS na 😅 Ayoko i-risk. kasi matagal pagitan nila ng 1st born ko, nalimutan ko na umire.
Mii gaano katagal bago nasundan? Ako normal naman lahat ng labs kaso high risk dahil sa age. 36yo na ako tapos yung first born ko 17yo na. Tagal nasundan! Kaya sabi din nila mukhang candidate na talaga ako ng cs 😅
4kls. po baby ko, vaginal delivery pero nahirapan akong iire dahilan na NICU siya for almost a month :(
ako 3.5 kilos baby ko sis, nahirapan ako lalo na na ang liit2x ko lang
Nag epidural ka ba mi?
Kaya yan. 3.4kgs si baby ko. Pareho sila ng panganay ko.




Mummy of 1 energetic son