Sobrang likot ng baby sa tummy
Hi mga mii. Sobrang nabobother na po kasi ako sa sobrang pagkalikot ni baby sa tyan ko. 33weeks pregnant po. Masakit na ang puson and tagiliran sa sobrang likot. Tapos naninikip na din dibdib ko. Okay lang naman po so far since sabi kapag nasa ribs ang sipa is nakaposisyon na si baby. Last ultrasound ko po kasi breech pa sya. Next week pa po ako magpaultrasound ulit. Ang kinaka-bother ko lang po, feeling ko di na sya nakakapahinga ng okay sa loob ng tummy ko. Sobrang likot as in and masakit na rin po every sipa. Minsan pa, biglaang sipa na parang bigay na bigay. Iniisip ko, nahihirapan kaya sya sa loob kaya ganun ang sipa nya? Parang nagugulat na ewan po kasi huhu. Okay pa ba to mga mi?? Salamat po sa mga sasagot.





Excited to become a mum