Namanas ang mukha, kamay at paa pagtapos manganak

Mga mii sino dito naka experience na namanas ang katawan pagtapos manganak? Gaano katagal bago mawala? Pang 1 week ko na ngayon na namamanas ๐Ÿ˜ฉ #Manaspagkapanganak #Manasaftergivingbirth #Needadvice #askmommies

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello mommy, nagmanas ako sa 2nd ko super manas both legs na hindi na ko makasuot kahit leggings. pero nasa 3-4days lang nawala na. need lang elevate sa gabi then lakad lakad po. as per my OB bago ako i-discharge nun binilinan nya ako na i-monitor ang matinding manas lalo na sa mukha woth around the eyes nangyari pag more than 1 week nang manas, hindi nawawala consult back daw ako kasi need maexamine just to be sure na hindi kidneys ang may problem if more than a week na po yan mommy, pls inform your OB na po para lang sure. Godbless po ๐Ÿ™

Magbasa pa

same here, hindi minanas during pregnancy pero after manganak saka nalang bigla lumabas yung pamamanas, then after pansin ko nun habang bumababa yung pamamanas nagkaroon ng water sa gilid ng mga daliri ko. di ko na rin namalayan kung gano yun katagal bago nawala.

same mii ..hindi ako minanas throughout my whole pregnancy pero pagkapanganak tska namanas ang paa, d ko na napansin kung kelan nawala dhil busy kay baby๐Ÿ˜… kusa naman sya nawala drink more water lang

sa may paa lang din ako nagmanas, mga 2-3 weeks siguro. Hindi ko din alam kung normal, pero nawala naman kusa, lakad lakad lang and itaas paa pag nagpapahinga

same po. namanas rin po ako after manganak and as per OB ay normal po. pero para makasigurado po kayo inform mo po OB mo

nawala yung manas ko in less than a week

1 month sakin bago nawala yung manas

tell your ob about it.