Any tips parenting

Mabilis mainis ang eldest son ko, 7y/o, sa younger brother niyang 2 years old. Nahihirapan siyang i-handle yung frustrations niya. Hindi ko masisisi yung kakulitan ng youngest brother kasi nature niya talaga na maging makulit saka iba way of playing niya. build and destruct. or di kaya nkikipaglaro siya s kuya niya kaso di siya masakyan ng kuya niya dahil iba ung gusto niyang laro. Naaawa lang din ako sa eldest ko kasi di niya ganun ma-enjoy ung playtime niya. Most of the time napapagalitan namin siya kasi gumagawa siya ng way na para paiyakin yung kapatid niya. Nagkakaroon narin ng times na nasasaktan niya na kapatid noya kapag naiinis siya dito. Baka feel niya mas favorite nmin ung younger brother niya kesa sa knya.. Nasa stage din kami n tinututuruan ko siya paunti unti sa gawaing bahay kaso madalas nasstress lang ako kasi puro ngawa at hirap utusan. I felt guilty kapag napapasigaw ako or nagagalit kapag inutusan.. problem ko pa I am pregnant for the third baby.. paano kapag lumabas n c Baby.. mas malelessen ang time ko para sa kanilang dalawa lalo na para sa panganay.. Any tips po how to handle or how to improve myself Thank you.#Needadvice #askingmom

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply