100% accurate ba ang fetal weight sa BPS? Mejo kabado kse 4051g nkalagay , sana kayanin kong inormal

37weeks and 5days

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yes mie akin nun 2.8 sa ultrasound 1week nakalipas bigla akong nanganak 2.9 lumabas baby ko malaman laman sya d tulad ng nauna Kong baby na payat... 2.9 nahirapan na ako ilabas sya paano pa kaya na iyo na 4kilos na sana mainormal mo mie

Way back 2022 nanganak ako sa 2nd baby ko.. Sa last BPS ko 🤣 3.5kilo kabado na ko nun pero pag labas 2.5kilo bilis ko lng ilabas di same sa 1st born ko ang hirap ilabas nsa 3.3kilo kc grabe

sa akin sis 3rd at 4th baby ko 8.9 Ponce paglabas nakaya namn na i.normal lakasan lng talaga Ng pag.ire pray lang Tayo me importante safe at healthy Tayo ni baby pag.labas

not accurate sakin 3.5 sa bps same day delivery 2.91 siya depende pa rin sa ultrasound Yan. sa subrang takot ko Kasi na baka dko mailabas ng normal finorce labor ko na.

hindi po kasi ako dun sa 1st baby ko 3.1 siya sa bps 37weeks then paglabas ng 40weeks 2.8 lang po siya . so d accurate ang fetal weight sa bps ..

hindi po kase yung hipag ko 41weeks na sya nanganak tas nagpabps sya ang timbang ng baby nya sa ultra 3.3 pag labas 2.9 lang

ako nga po, kakaultrasound lang nung Friday. 3.3 na agad si baby. 😓 Kabado na din ako. May 12 due date ko na

7mo ago

keri lang yan sis sa panganay ko nga 3.5kg feel ko ngayon mas malaki sya kasi lage kong cravings chocolate at softdrinks ei kahit anong pigil ko nd ko talaga kaya kaya feel ko lagpas 4kg si baby sana lang makayanan ko dn.

+ - 500g parin mi. Pero yung sa LO ko BPS same day ng delivery 2.8kg lang siyabsa BPS, pag labas niya 3.3kg siya

first baby ko mi 8 pounds nakaya naman po i normal.. pero mag diet kana po mi para di kapo mahirapan..

indi pooo..sabi ng mga medwife sa facebook wag daw mag base sa ultrasound kasi indi naman lahat tama