HUSBAND STITCH
Sino po sa inyo ang may knowledge about husband stitch? Tingin ko kc ganun ginawa ng ob ko without my knowledge. 😭😭😭 6mons postpartum na ko, 4mons after ko manganak ko pinayagan c hubby na mging intimate kc para sure na magaling na tahi ko. The usual masakit nung una, cguro pinayagan ko lang c hubby 3x kc masakit talaga tas ngbibleed pa din ako unlike sa first born ko na sa 1st time lang masakit. Last week lang we tried being intimate ulit and ganun pa din masakit and ngbleed na namn. Ang hirap lalo nkakaawa din c hubby. Mula mgbuntis ako sa 2nd gang ngaun na 6mons na c baby un palang time na naging intimate kami tas ganito pa. Ngpa check up na ko sa ibang ob kaso binigyan lang ako ng cream pero andun pa din ung sakit, i was thinking na ipa redo ung stitch ko kc baka c hubby mghanap na ng iba dhl sa needs nya. Grabe, nkakastress din. Ndi namn ako hayok pero may needs din ako na ndi ma meet dahil na din sa sakit na nararamdaman ko everytime magsex kami ni hubby.



