First time breastfeeding problem

Share lang po since pressure and stress nadin po ako. 1week nadin po si baby and mahina padin po yung gatas kaya hirap ipa breastfeed si baby. pero tuloy tuloy lang po ako sa pag-papalatch, pagpapadede at sa mga gulay,sabaw na nakakadami po ng gatas. 1st checkup po namin kahapon and I think na nagworried ako sa pedia namin. na bakit daw nagfoformula ako, at hindi ako magbreastfeed. inexplain kopo na mahina pa pero ginagawa kopadin padedehin sakin si baby. then the pedia said. Normal ka naman hindi ka naman CS so ano problema, si marian rivera nga breastfeed artista payun sobra busy so ano problema, hindi ka naman working sa bahay kalang bakit hindi mo mapabreastfeed c baby mo? akala ko during pregnancy yung stressfull part, tuloy2 pala hanggang sa manganak ka. pressure din at the same time, na parang ang laki ng pagkukulang ko sa part na hindi ako makapagbreastfeed ng maayos. i just want to share...😔

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same experience pero hindi galing sa doktor pero sa mga tao sa paligid. ang hirap na sinasabihan ka na bakit bumibili kapa ng gatas, bakit hindi ka magpadede. nakakaiyak nalang kapag umiiyak si baby na wala makuha na gatas sakin.

may pedia na ganyan pinipilit na magbreastfeed, easy to say para sa iba na kaya talaga. pero sana consider din yung ibang mommy na hirap talaga dapat iguide nila.

Masyadong OA iyang pedia niyo, try to change pedia, maiistress ka lang po sa kanya. Not all women have the capability yo breast feed.

same po, tapos inverted pa po ang nipple ko kaya hirap si baby mag latch.

same experience : ((