Tahi ng Normal Delivery
Hi! Sa mga kagaya ko po na nanganak ng normal and may tahi, normal ba na parang may naiipit sa pwerta tas medyo masakit lalo na pag nakatayo? 2 weeks na since nung nanganak ako. Thank youu! Sana may sumagot po hehe

Hindi po normal mmy. Healing stage pa yan. If masakit talaga to the point inconvenient sayo, pa check up ka po balik dun sa clinic nyo para ma check niya yung area baka nagkabuhol po or napano na. Iwas po talaga sa pagbuhat ng mabigat, patulong po muna kay baby tsaka iwas po sa mga movements na strenuous sa tahi such as lakad or tayo ng matagal, upo na di naka tipo (close yung legs at paa, kung pwede lang naka crossed legs ka po parati para di mabinat ang tahi at masugat) tapos soft diet ka mmy, kasi mas sasama pa yan pag nadaanan ng dry at heavy poops. May gamot naman po nabibili to take everyday para ma sure na soft poops pag time for cr na. Nako mmy, akin dati nagkabuhol kasi nga karga2 ko si baby at nag lakad2 ba naman sa mall after 2-3weeks (sabi kasi madali ang healing pag normal, ramdam ko din naman na kaya ko na) at yun na nga, nagkabuhol2 ang tahi, sinabayan pa ng constipation, nagkaheavy poops pako, ayun muntik na daw na infect sabi ng clinic ko. Ending, todo crossed legs ako araw2x, soft diet with supplement for soft poops, tsaka may unan talaga sa pwetan ko pag-uupo ako. Haays to make my story short, umabot sobra 1 buwan healing ko dahil sa pagkakamali kong yun. Parang di na normal delivery sa tagal ๐ ingat po mommy. Sana makatulog naishare ko
Magbasa pa

