Concern po sa Baby ko (4 months+): Sobrang pagka-iritable at Posibleng Masakit na Tenga

Goodmorning po sa lahat. Gusto ko lang po sanang humingi ng opinyon tungkol sa aking baby na 4 months old pataas na ngayon. Napansin ko po na: Sobrang iyakin at irritable siya nitong mga nakaraang araw. Pahirapan din po siyang padedehin (nursing) Detalye ng Aking Obserbasyon: A. Tungkol sa Tenga: Parati ko po kasing nililinis ang tenga niya (every other day) gamit ang cotton swab kapag may nakikita akong dumi. Isang araw, nung pinaliguan ko siya at pinunasan ko ng bimpo ang kanyang tenga para tanggalin ang residue ng sabon (gaya ng dati kong ginagawa), bigla siyang umiyak nang malakas. Doon ko po naisip na baka masakit ang tenga niya. Ch-ineck ko naman po ito: Wala siyang foul smell o masamang amoy. Hindi po namamaga at hindi pula ang paligid ng tenga. Ang dumi ay normal lang (yellowish). Ang ipinagtataka ko lang po ay bakit siya umiyak nang ganun kalakas, samantalang hindi naman siya ganu'n dati. Simula noon (3 days na ang nakalipas), hindi ko na ginalaw ang tenga niya. Pero nung pinaliguan ko ulit siya at pinunasan ko ang paligid ng tenga, na-irita at umiyak nanaman siya. B. Tungkol sa Balat at Pangkalahatang Kilos: Pansin ko rin po na may mga pula-pula sa kanyang balat. Hindi naman po ako nagpalit ng sabon (Kleenfant head to toe - yellow variant). Nag-aalala ako kung hindi na ba siya hiyang dito. Normal naman po ang temperature niya. Nakakapanibago po talaga dahil parang nag-iba ang baby ko—naging sobrang iritable at madaling umiyak. Nakakapraning po. Single mother lang po ako at umaasa sa tulong ng aking Mama (na DH), kaya't hindi ko po muna agad siya madala sa ospital dahil sa budget. Gusto ko lang po sanang marinig ang inyong mga opinyon at payo—lalo na sa mga Mommies na naranasan na ito—para maibsan ang aking pag-aalala. First-Time Mom (FTM) po ako, at mahirap mag-isa. Huwag niyo po sana akong i-bash. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at tulong. #respectmypost

Concern po sa Baby ko (4 months+): Sobrang pagka-iritable at Posibleng Masakit na Tenga
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

regarding sa tenga, kindly consult ENT doctor. nadala namin ang toddler ko sa ENT. hinahawakan nia ang tenga nia at nagsasabi ng masakit. hindi sia malalaman until masilip ng doctor un. so pinakita nia samin using the otoscope at namumula sa loob. ang reason ay dahil sa sipon. 2nd visit was accidentally natusok ng cotton buds ang tenga. hindi dumugo nung morning, pero nung afternoon may dugo na. pinakita ulit samin at buti hindi natusok ang eardrum. advised ng doctor ay wag gumamit ng cotton buds sa pagclean ng earwax, kahit wala na ang sugat. to use oil or agua oxinada instead. advise nia rin ito samin as adults. sa rashes, best to consult pedia to assess dahil maraming factors. sa baby ko, wag gumamit ng fab con at laundry detergent na hindi mild. ang bath soap ng 2 kids ko ay lactacyd baby wash, diluted kapag ginamit. no issues.

Magbasa pa
1mo ago

ask lang po before po mag pa consult sa ENT , dadaan po ba muna sa Pedia tapos sila mag rerefer to go to ENT?