Speech delayed

Hello po. Galing kami sa pedia kanina nag pa assess kay baby. Kaka 2 lang niya ngayong July. Hindi parin nakakapag salita ng mag isa. Hindi niya ma express yung gusto niya. Pero -MAY EYE CONTACT -NAG RERESPONSE SA NAME NIYA -KNOW HOW TO PRETEND PLAY -NAKIKIPAG LARO SA IBANG BATA -CAN FOLLOW INSTRUCTIONS -SUPER ACTIVE BABY -CAN IMITATE WORDS NA BUT WORD STARTS WITH LETTER (A, D, B, P, O) ONLY - CAN IDENTIFY COLORS AND NUMBERS -CAN COUNT BUT ( WAH, WUU, WEE.....) means 123 di niya mabigkas 🥲 Ang assessment po ng pedia kanina sknya ay SPEECH DELAY na sa age niya. Ngayon po pinaparefer niya kami sa devped. Im a bit scared po baka iba po ang diagnose sknya ng dev ped huhuhu. Anyone here can enlighten me po? Anyone here na same case with me SPEECH DELAY LANG. SALAMAT PO#AskingAsAMom #firsttimemom

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

at 1 year old, we suspected our 2nd born na speech delay. dahil naicompare namin sia sa 1st born namin. at 1yo, i did speech therapy sa kanya sa bahay. eventually, maraming words na siang alam at clear ang words nia. at 2yo, sabi ng pedia, dapat ay nakakapag phrases/sentences na sia. so i got worried nanaman. so we enrolled her sa therapy center sa playschool. sabi ng therapy center, since clear naman ang words nia at nakakaintindi, pwedeng playschool na muna dahil ang assessment nila, kulang lang sia sa socialization. tinuruan na rin kami kung paano sia tuturuan sa bahay. nung 3yo, nakakapag sentences na sia! ngaun, kaka-stop lang nia sa playschool. at naiyak ako dahil 1 year sia sa playschool, ang laki ng development ng anak namin under sa kanila. grateful kami sa kanila. ngaun, kakastart lang sa daycare ng anak ko. dont hesitate na magpa assess or do early intervention. dati, nagkukwento ang iba na nagsalita ang anak nila nung 3-4 years old. pero ayoko hintayin un. iba-iba ang mga bata at baka mahirapan kami kapag hindi nangyari samin un. may mga kasama kami sa playschool na around 3-4 years old na sila pumunta sa therapy center na need ng intervention.

Magbasa pa