tired of taking care of my baby

pagod na ako mag alaga sa baby ko 3 month old. gusto ko ba bumalik sa work. nafeel nyo rin ba to

694 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ako sa unang baby. Normal yan sa mga first time mom na para bang di mo na kaya pero trust me mommy napakabilis ng panahon. Parang kelan lang yon pag iniisip ko ngayon 6 yo na si kuya ngayon kaya dito sa pangalawa namin ngayon kahit pagod at puyat tinitiis ko kase alam kong ang bilis lang lilipas ng ganitong panahon. The nights are long but the years are short mommy kapit lang πŸ’•πŸ’•

Magbasa pa

No, I cherish every moment na kasama ko Sya. Mula nagkaanak ako Hindi na ko nagwork, Ayoko mamiss Ang milestones nila. 2 na sila. 4yrs old Ang 4months baby. sa panganay ko oo nakakapagod. pero sa 4months baby ko ninanamnam ko Lahat kHit mahirap. mabilis lng sila lumaki. kaya chinecherish ko yung bawat moments 😊 mamimiss mo kse Yun pag lumaki na sila.

Magbasa pa

I feel you po, pero ako lagi ko lang syang tinititigan tapos ok na ko. May mga time pa nga nakapag iyak ng iyak sa madaling araw dahil sa kabag nasisigawan ko sya pero naawa naman ako tapos yayakapin ko nalang din sya. Dasal lang ako ng dasal na sana patibayin pa ni Lord at gabayan. Walang impossible sa Diyos. πŸ™πŸ› Kaya mo po yan mommy matatapos din po yan. πŸ˜„

Magbasa pa

lahat naman mi tayong mga nanay we feel that way lalo nung sa first born ko siguro di lang ako nasanay na may baby pero this 2nd baby madami ako natunan mas minahal at sinusulit ko bawat araw na di sila nagpapababa karga karga mo. napaka sarap sa feeling kasi they growing and growing di mo mamalayan dating kasama mo matulog ayaw kana nya katabi. Sulitin mo lang mommy kahit pagod LABAN!!!!

Magbasa pa
TapFluencer

Mi, working mom ako now. Bumalik ako ng work at 6 weeks post partum. Mas sobrang nakakapagod, mi. Nasa work ako buong araw then alaga ng baby sa gabi kasi stay out ang yaya. Mas gustohin ko nalang mag housewife muna mag alaga sa baby. Kasi nakakacomfort pa din si baby kahit nakakapagod. Wag mo lang po isipin na napapagod ka kay baby, ilang months lang naman yan. Enjoy niyo nalang po 😊

Magbasa pa

Been there mommy. Actually nakakapagod talaga especially sa newborn stage n'ya tapos wala ka pang kaagapay or walang support from your family. But, trust me mommy once na naisip mo na minsan lang sila maging ganyan parang mas gugustuhin mo nalang silang alagaan at hindi na ipahawak sa iba. Mahirap at nakakapagod, pero kapag lumaki na hindi na natin magagawa ang buhatin at padedeen sila.

Magbasa pa

luh! ganyan din ako naramdaman ko ang pagod pero pero ano ba naman ang ilang buwan na alagaan ko sya nakaya ko ang 9months nasa loob ng tiyan ko na ang daming bawal ito na ang tagal na hinintay ko yan lang lagi iniisip ko lalo na noong nasa stage sya na iyakin at lagi akong puyat nag pray lang ako na sana makaya ko lalo pa first-time mom ako wala umaagapay sa akin . mommy kaya mo yan .

Magbasa pa

gusto ko nga mag-hire ng gagawa ng mga trabaho ko kapag nag back to work na ako tapos ako pa rin ang mag-aalaga sa baby ko instead na yayaπŸ˜† hindi ko nararamdamang napapagod ako. ultimo mo nga ubot sipon niya nagmamakaawa ako sa Diyos na sa akin na lang ibigay at sobrang naaawa ako kay baby na 3 month old pa lang. nakakapagod, yes. pero gusto ko pa ring ako ang mag-alaga kay baby😁

Magbasa pa

i think its postpartum depression ganyan po ako minsan namumura ko pa sa galet tapos nasisigawan ko ng sobra pero pag umiiyak na sya nakokonsensya ako solo lang kasi ako sa lahat lahat para nakong katulong yun pala na diagnos ako postpartum depression with anxiety grabe hirap controlin ng sarili ko kasi sarili ko kalaban ko wag po kayo magalit saken i just want to share my experience

Magbasa pa

never pumasok sa isip ko Ang mapagod mag-alaga Ng baby,tatlo na nging anak ko pero sa ganang buwan never akong napagod dahil mas kelangan Ng mga babies Ang care Ng isa g Ina kpg baby pa,mas mhirap kung mgkakasakit pa at Hindi Ikaw Ang may alaga bka dumating sa point na Sarili mo lng din Ang masisisi mo.kaya hanggat napapasan mopa Ang baby mo gawin mona ,Minsan lng Sila maging Bata...

Magbasa pa