tired of taking care of my baby

pagod na ako mag alaga sa baby ko 3 month old. gusto ko ba bumalik sa work. nafeel nyo rin ba to

694 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yes true nakakapagod po mag alaga pero everytime n napapagod o naiinis nko iniisip ko n minsan lng sila maging baby...na maamoy k lng madikit lng sau e titigil n sa pag iyak...e enjoy mo lng sis ang pag aalaga kc kpg lumaki n yan at meron n sarili isip at kabarkada sk mo marerealize n sn baby n lng sia 4ever pr lagi mo ksm...mabilis lng po ang panahon ky enjoy lng po khit mahirap ☺

Magbasa pa

ako Hindi ako napagod sa anak ko..pero gusto ko na bumalik ulit sa work same tau mom's 3months na din Lo ko..pero like ko bumalik ulit sa work para mas matustusan namin Ng asawa ko pangangailangan ni baby tulungan Sana kami,,un nga lang Wala mag alaga Kay baby ayaw ko nmn ipa alaga sa ibang tao,,Ang saya po mag alaga Ng anak mom's enjoy mo lang ung moment na baby pa syA 🥰🥰 ftm

Magbasa pa

Yes, normal lang naman makaramdam ng pagod. Pero ako parang ayaw ko na nga bumalik sa work, matatapos na ML ko next month. Gusto ko na nga lang magresign at mag focus nalang kay LO kahit pagod e okay lang. Gusto ko unang tawa nya ako makakarinig, unang gulong nya ako makakakita. Tsaka hirap din ipagkatiwala pag aalaga sa iba. Iniisip ko palang na magwwork na ako e naluluha na ako

Magbasa pa

Nakakapagod po talaga, pero isipin nyo po kung ikaw nga napapagod pano kapag kumuha ka ng yaya? Mapapagod din sigurado sya or worse maubos pasensya nya sa anak mo pagaalaga, baka kung ano maisipan nya gawin sa anak mo.. Kaya mami tiis tiis lang po muna, hindi advisable kumuha ng yaya kapag baby pa... Kaya mong lampasan yan...☺

Magbasa pa

Ang totoong nkkgalit eh,yung ikaw na nanay 24/7 ka nag aalga ,dag2x pa ang mga trabaho sa bahay,habang ang asawa mo,,O.T nman sa laklakan,,tapos straight ang 2log,nya hbang ikaw ,minsan every 1 hour,nggising haysss,,,lahat na yta ng hirap at pagtitiis nsa nanay na,,pero nkkwala ndin ng pagod kpag nkkita mo ang baby mo,na kpag nag smile litaw pa ang gilagid,,ang cute...

Magbasa pa

Ako din ito yung nararamdaman ko ngayon mag 3 months na si baby , wala kong masyadong ginagawa pero pagod na pagod yung pakiramdam ko , gusto ko nadin mag work para mabigay ko lahat ng needs nya kaso pag naiisip kung diko sya makakasama ng matagal nalulungkot ako gusto ko nasa tabi ko sya palagi . Nakakapagod man pero masaya ang puso ko pag nakikita ko syang nakangiti

Magbasa pa

Hi mommy. Nkakapagod poh kasi single mom po ako. Pero inisip ko nlang nah mabilis ang panahun at hindi mo na malayan na malaki na c baby. I make most of my time with my baby. At nawawala ang pagod ko kng katabi ko na cya ma tulog sa gabi at parang anghel kng cya ai ma tulog. Masasabi ko sa sarili ko na i've done a good job. 💕

Magbasa pa
VIP Member

Yes. Sometimes you will experience post partum po. But take it one day at a time. Pag nag work po kayo it’s not an escape para mag alaga kay baby. Mas tiring po kasi you will work at the sane time continuos padin po ang alaga kay baby. Take a break mommy! Find me time and interest na gusto nyo po. Don’t give up mommy! You’re doing a good job😊

Magbasa pa

Hello i feel you po. Minsan ganyan nararamdaman ko lalo na pag si baby iyak ng iyak and di ko alam ano gagawin pero once na tumigil siya and nakikita ko tulog siya nawawala yung pagod ko. Minsan pa nga nagpapadede lang ako umiiyak ako, nakakamiss kasi yung buhay dalaga pero iba na ngayon mas mahal ko ang anak ko kaya kahit anong pagod momsh laban lang 🥰😍

Magbasa pa

Ako, 2 weeks pa lang si baby pero kapagod na. Di din ako sanay sa babies kasi only child ako so double pagod kasi lahat first time. Ultimo pagpapadede sa kanya, hirap kame nun umpisa kasi si baby mismo ayaw maglatch. Paiyakan pa. Pero siguro ganun talaga, lilipas din yan. Pag nawawala naman sa tabi ko anak ko, hinahanap hanap ko din.

Magbasa pa