UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Momsh, pareho tayo may pinagdadaanan. Ndi ko masabi mas mahirap yung sakin kaysa sayo. Pero isa lang masasabi ko "Gamitin mo yung Baby mo para makita ang kagandahan ng buhay sa kabila ng lahat, ndi yan ibibigay ni Lord sayo kung ndi naniniwala si Lord na kaya mo." Ako may pinagdadaanan din, pero lage ko sinasabi sa anak ko kahit nasa tummy ko palang sya na kakayanin ko lahat, itutuwid ko ang buhay ko para sakanya. Baka mas ndi mo mapatawad yung sarili mo kapag ikaw mismo ang maghangad ng ndi maganda para sa Baby mo. Lage mong isipin na ang pagkakaroon ng Baby ang pinaka magandang mangyayare sa isang Ina.

Magbasa pa

Nasa tamang edad ka na..Alam mo na Ang Tama at Mali..satingin mo ba kakayanin Ng kunsensya mo na may mamtay na Bata Ng dhil lang sa kasalanan Ng kanyang ama...financial support hingin mo sa asawa mo gumawa kau Ng kasulatan sa Brgy pag dnya sinuportahan Ang bb mo ipakulong mo..Kung kasal kau ipakulong mo pati babae nya..Ng malaman nla na Mali binabangga nila...tumayo ka sa karapatan mo..ipakita mo sa Kanila na Kya mo kht wala cla..maraming single mom na Kya buhayin Ang anak kaht Wala Ang magulang nila...nniniwala prin ako n lhat gagawin Ng ina mapalaki lang Ng maayos Ang knilang anak kht buong Mundo pa nkadagan sau..

Magbasa pa

walang kasalanan yung bata sis di naman nya kagustohan na ganon yung tatay nya.. me also magiging mommy na ako at walang kasamang asawa na makakasama namin ni baby pero kinakaya ko kahit anong hirap kailangan natin kayanin kasi may umaasa ng buhay sa sinapupunan natin.. nabuo yung baby ko isang pagkakamali pero di ko ipaparamdam sa kanya na pagkakamali sya kasi sya yung blessing na bumuo ulit sa pagkatao ko after nung nangyare samin ng tatay nya.. kaya sis kayanin mo yan alang alang sa baby mo kasi darating ang panahon na sya ang bubuo at maglalagay ng kulay sa madilim mong mundo.. every child is a blessing 😘😘

Magbasa pa

Mommy, malayo man yung sitwasyon mo sa sitwasyon ko ngayon. Pero naisip ko din yan, pero naisip ko, wala kasalanan yung baby ko sa nangyayare. Kahit naiisip ko din na magpakamatay nalang minsan, inaalis ko yun sa isip ko, at nagsosorry ako sa baby ko kasi naiisip ko yung mga ganun. Hindi man ako sure sa mangyayari sakin, mangyayari satin. Pero alam ko na di tayo pababayan ni Lord. Alam ko na binigay satin yunh babh na to, para baguhin yung buhay natin, for the better. Hindi man maganda sa simula, pero eventually, magiging okay din, sure ako don kasi kakapit ako ng sobra kay Lord. Kaya mommy, kaya natin to! 😭💕

Magbasa pa

Ako nga walang PAMILYA , WALANG ASAWA, WALANG TINITIRAHAN NA PERMANENTE kung san san lang nakikituloy ...sarili ko lang at ung pinagbubuntis ko ngayon .. pero kahit sarili ko nlang KAKAMPI ko sa mundong to pinipilit kong MAGING MATAPANG AT LUMABAN PARA SA ANAK KO .. walang kasalanan ang BABY eh .. anung malay nila .. KASE KATWIRAN KO SINO PA ANG MAGTATANGGOL SA MGA KAWAWANG BATA NA TO KUNG HINDI AKO MAGPAPAKATATAG PARA SKNILA ..MGIGING KAWAWA REN SILA ISANG BAGAY NA AYAW KO REN NILA MARANASAN BALANG ARW . pleasee.pray and dont forget to thank God everyday for that child ..☺️☺️Godbless .. di ka nag iisa

Magbasa pa

hindi kasalanan ng bata .may karapatan syang mabuhay sa mundo. kung nasasaktan kana dhil sa ginagawa ng bf mo.Hiwalayan mo na lng sya, atleast sa darating na panahon kahit wala mn ang bf mo meeon ka na mang anak na laging nasa tabi mo. Matatangap ka rin ng pamilya mo, sa simula masasaktan pa sila dahil nga ikaw ang bread winner pero,matatangap ka rin nila kasi apo parin nila ang dinadala mo, hayaan mo na ang lalaking iyon isipin mo na lng ang kalusugan ng baby mo. Ang magkaron ng isang sangol sa sinapupunan ay isang blessings, yong iba nga di na biniyaya-an.kaya bless ka parin sis. Kaya Mo Yan . para sa baby mo.

Magbasa pa

Ang hirap nga naman ng kalagayan mo. Seek the Lord dahil siya lamang ang pinakamatibay mong kakampi. Kailangan mo pang lakasan at tibayan ang iyong loob. Never never do na ipalaglag talaga ang baby mo. Maybe wala ka pang idea kung gaano kasaya ang magkaroon ng baby kasi di mo pa siya nasisilang. But please, be strong and always choose to be good no matter what. Tandaan mo, hindi lang ngayon ang araw. Lahat ay nagbabago habang lumilipas ang panahon. Someday you will be very proud of yourself dahil nakaya mong ipaglaban ang iyong anak. You will feel very great to yourself dahil pinili mo paring gawin ang tama.

Magbasa pa

Ganito nangyari sa eldest ko. Ex bf ko pa nagsuggest na ipalaglag ko. Tinago ko sa sa family at relatives ko pero nahalata din ng tita ko. Kahit magalit at magsalita ng masama family mo sila pa rin ang tutulong sayo. Hiniwalayan ko ex ko dahil wala din suporta, galit papa ko nun pero siya nagpapadala panggastos ng anak ko. Then nung 8months na, iniwan ko anak ko sa lola ko at yaya at nagwork ako ulit pangsupport sa anak ko at pambayad sa yaya. Huwag mo idamay bata sa galit mo, your life will be better after you gave birth at kung ganyan bf mo,kahit mahal mo iwanan mo na. Then just ask support if ayaw kasuhan mo

Magbasa pa

Sorry Sis diko natapos basahin. I decided to stop reading your rants sa part na gusto mo palaglag si Baby para makalaya ka which I found nonsense and irrelevant. If you really can not take him and his family already just leave but don't ever try to include the little angel in your womb. I know how you feel, a pregnant woman really suffer from depression plus nag cheat pa partner mo. But oh God please Sis keep your Baby. Make him/her your inspiration. When the times come you will see that no matter how the world drag you down as long as you have a child, I assure you, you will never get tired to fight in life.

Magbasa pa
VIP Member

Kahit na anu pa ng dahilan mo sis, wag na wag mong papaabort ang baby mo. Wala siyang kasalanan. Please lang po. Kami nahihirapan magbuntis at ginagawa lahat para lang mabuhay ang babies namin. Pagsisihan mo yan habang buhay. Blessing po iyan. Alam kong mabigat ang dinadala mo ngayun pero malalampasan mo rin yan. Ang konsensiya mo never na malilinis kapag tinuloy mo ang plano mong pag abort. Gawin mong inspiration si baby mo na magsumikap. Hindi ka bibigyan ng Diyos na pagsubok na hindi mo kakayanin. Ipagdadasal kita sis na sana ay maliwanagan ka at magkaroon ka ng lakas ng loob para harapin ang sitwasyon mo.

Magbasa pa