UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Don't let your baby suffer for someone else sin. Biyaya ang baby. Kung may problema talaga yung partner mo at pakiramdam mo na hindi na healthy sa inyo yang relasyon nyo lalo na dahil nakabuntis siya ng iba. Iwan mo nalang siya pero wag mo ipalaglag ang baby nyo. Sa kanya ka nalang kumapit sa lahat ng problema at stress na nararanasan mo ngayon. Wag mo siyang tignan na parang pagkakamali siya dahil gago ang tatay nya. Ok na na ikaw nalang ang bumitaw kesa naman anak mo ang isakripisyo mo para sa walang kwentang lalaki na yan. Be strong for you and for your baby. I pray for God all the healing you deserve.

Magbasa pa
VIP Member

Te anak mo din yan hindi lang sa bf mo. Wala siyang kasalanan sa totoo lang. Kayo ang gumawa sa kanya parehas. Don't think of him as a reminder of your unfaithful bf but your own flesh and blood. Nasa tamang edad ka na at may trabaho di isang confused teenager. Kakayanin mo yan wag mo isipin agad ang negative. Di mo pa nga tinatry iniisip mo na agad na hindi ka tatanggapin ng sarili mong pamilya. Sa tingin ko maiintindihan naman nila ang sitwasyon mo. Sa una pwede silang magalit pero bilang pamilya mo tatanggapin ka nila eventually sure yun. Wag mo solohin ang problema mo kasi lalo kang makakaisip ng masama.

Magbasa pa

Madameng mag asawa na humihiling ng anak. Ikaw na binigyan ipapalaglag mo lang? Walang kasalanan ung anak mo. Ang lalake pwedeng palitan pero ung anak hindi. Kung meron mang taong magmamahal sayo ng buong buo at hindi ka sasaktan yun yung baby mo. Mag dasal ka girl... Be strong. Remember girls we should love ourselves 1st before anyone else. Pra pag niloko tayo kaya naten. Madameng magagandang bagay sa mundo na hindi naten naaapreciate kase sa isang bagay lng tyo nakatingin. Oo magagalet ung parents mo pero sa una lng yan anong mas pipiliin mo tangapin un galet nila or magsisi habang buhay...

Magbasa pa

Please, wag mo alisin si baby.😒 Mahalin mo siya with all your heart kahit na anak pa siya ng manloloko mong boyfriend. It's the best gift a girl could ever received from up above.πŸ’•πŸ˜Š Break up with your stupid boyfriend, he's not worth loving. Walang kinalaman si baby sa problema, in fact blessing yan. I've been in your situation before but here I am now, my baby is sleeping beside me and she's 4 months old now. I love her so much! Kung ayaw ng family niya sa inyong mag ina edi hayaan mo na sila. Magsimula ka kasama ang anak mo. Kaya mo yan ate girl!πŸ’ͺ Be strong! God is always with you.πŸ˜˜πŸ˜ŠπŸ€—

Magbasa pa
VIP Member

Hi mumsh.I understand your situation.pro a big NO po na ipaabort ang baby.pls.wag po.ituloy mo cia kht mahirap.yan ang pinakatamang gagawin at magagawa mo.about that guy, kht sobrang hirap at mahal mo cia let go of him.kesa magkasama nga kau araw2 k nmang nasasaktan.kaya mo yan mumsh.para kay baby kayanin mo kasi gnawa niu yan eh.ituloy mo po.iwan mo n ung lalaki.mabuti nga at hnd pa kau kasal.tama po ba?mas mahirap pag kasal n kau tpos lolokohin k lang.Eventually po magiging maayos dn sa inyo ni baby ang lht.gawin mo po ang tama.Pray.iiyak mo po sa Lord ang lht and ask wisdom from Him..praying for you po

Magbasa pa

para sken...hiwalayan mo na xa...then stand for ano tama...ituloy mo yan...blessing yan eh...si nmn nya kasalanan na nabuo xa out of wedlock db? alam mo madaming lalaki sa mundo...may darating na tama para sau...karma nlang nung guy yan eventually...naiinis ako na naiiyak sa situation mo...kc same kau ng younger sis ko...xa nmn parang ginawang shoulder to cry on nung guy then rebound at the same time..but then itinuloy nya ung baby..now 4years old na anak nya and super madaldal at matalino na bata...kmi din lahat noon galit but then pag nakita nila yang baby mo..magbabago din ang pamilya mo...πŸ€—πŸ€—πŸ€—

Magbasa pa

Hello.. First of all, I hope hindi rin po ako majudge sa sagot ko. Actually, para saken sa gitna lang ako. First of all, hindi ko totally alam ang current situation ninyo ng partner mo. Pero mummies, wag po naten xang ijudge kung anu man din ang magiging decision nya. Abortion is not the answer to the problem (but not to everyone). May mga rason din cguro si mummy kaya nya naiisip un. Pero, hopefully you can sort things out. Marami akong kilala na initially un ang iniisip lalo na pag hindi talga ready. Wag po naten silang ijudge kagad, pwede naman naten silang kausapin at hopefully machange ang mind nila.

Magbasa pa

Continue mo, kase i just turned 18 right now, 38 week pregnancy ko ngayon. Hiwalay na kami ng tatay ng baby ko, yes, makakatanggap ka talaga ng masasakit na salita sa pamilya mo, same din sakin pero you're 27 na, kakayanin mo yan i guarantee you. Kase kahit anong galit nila? Matatanggap at matatanggap nila yan kase nandyan na. Think. Nag karoon ka na ng pag kakamali, so make it right this time. 😊 The Lord is with us and He will also Guide you. Kaya continue mo. Atleast kahit papaano? You will never be alone na. May kasama ka na habang buhay at yun ay ang anak mo.

Magbasa pa

At yung sa family mo masama loob nila sayo dahil ikaw nga inaasahan nila. Pero wag mo naman sabihin na kahihiyan yang dinadala mo. Nahu hurt tlga ko sa mga nbibitawan mong mga salita towards sa baby mo. Darating yung time na mapapatawad ka nila kung may sama sila sayo ng loob lalo na ang mga magulang mo. Kasi magulang din sila. Subukan mo humingi ng tulong sa kanila oo mahirap ang buhay pero laban lang. Yung mga magulang mo baka matulungan ka nila sabihin mo lang pinagdaanan mo maiintindihan ka rin nila oo maririnig ko mga salita nila pero tanggapin ko lang yun ganun tlga sila. Wag ka mawalan ng pag asa.

Magbasa pa

Hindi kahihiyan ung baby mo sis kc una palang alam na ng family mo na may ka live in ka so possible talaga na mabuntis ka 2nd ndi dapat nag susuffer ang baby sa priblem nyo ni Bf nyo kng ayaw mo na bigyan ng chance ung Bf mo bigyan mo ng chance ung magiging anak mo mabuhay sa mundo wag mo sya idamay dahil sa pagkakamali ng iba and believe me pag njan na yan kaya moat kakayanin mo kahit mag isa ka lang kng di ka na masaya sa Bf mo humiwalay ka para wala kang stress na ksama everyday yayakapin at yayakapin ka prin ng family mo for sure so wag mag isip ng magpapa abort its a BIG No No for me God bless sis

Magbasa pa