UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wag mo ipalaglag ung bata pwede nmn kau mghiwalay khit buntis k te greatest blessing c baby ou ngaun hirap k sa sitwasyon mo wag mo idamay ang bata sa problema mo te walang muwang yan hindi nia ginusto ung nangyari,,napaka laking kasalanan s panginoon yan mgpatulong k sa family mo higit k nila maiintindihan paglabas ni bby tsaka mo maiisip ung worth ng lhat ng hirap mo lahat ng pagsubong ibinigay sa atin ng panginoon yan kc alam nia kaya nten magdasal k lng te wag mo pairalin ung galit sa puso mo n nadadamay ung anak ko marami ng babae n may anak pero nka hanap pa ng lalaking tanggap k at ang anak mo be strong te kaya mo yan,,

Magbasa pa

Matanda kna sis 27 what if ipalaglag mo si baby mo tapos hindi kna biyayaan ulit dahil may edad kna mas mag sisisi ka. mawala man ang bf mo atleast andyan anak mo wag mo sya ituring na burden sayo it's a blessing pag na feel mo na baby mo kahit nasa tyan palng sya promise sobrang sarap sa pakiramdam at dun palang magsisisi ka na naisip mo yan mga ganyan bagay. Hindi nman kasalanan ng bata na manloloko tatay nya kaya wag mo nlng sya idamay. Pinsan ko nga na walang kahit anong means at 17 y/o palang hindi naisipan na ipalaglag baby nya ngayon kahit mahirap buhay nya yung baby nya nag papalakas sknya wala nrin kasi syang asawa.

Magbasa pa

Hugggss~ mommy, karapatan pa rin ni baby ang mabuhay... ako po mommy, 21 y.o. bago sa trabaho, at gaya po though hindi breadwinner e parang ganun na rin dahil may ibang priority ang kuya ko.. at sobrang taas ng expecatation ng lahat sa akin.. as in pressure.. then just last week na-confirm si baby sa tyan ko via blood test palang.. nagpacheck up agad ako sa ob.. then for the very first time.. narinig ko ung heartbeat nya... ang saya.. Mommy, kahit na di kayo naging okay ng partner mo, dugot laman mo pa rin si baby.. laban lang po~ kaya mo yan~ God will not give you a challenge that you ca not surpass.. Go, mommy!

Magbasa pa

Ituloy mo sis ang pagbubuntis mo .If ever man di kayo magkatuluyan ng bf I think sa ngayon mas nakakabuti yung mag focus ka for your baby.Marami akong kakilala na parehas ng situation mo nakayanan nila maging single mom at nkapag asawa rin ng mabuting lalaki na minahal sila ng totoo.Your baby is an angel a gift from God.Di niya kasalanan yung ginagawa ng tatay niya.I think part din ng pregnancy natin yung nagagalit tayo sa situation.Pero I pray for you and your baby na mas magiging maayos yung gagawin mong desisyon.Wag mong isipin kung anong sasabihin ng iba ang mahalaga ginawa mo yung tama.At alam kong makakayanan mo yan.

Magbasa pa

Yes di ka namin masisisi sa mga trials na yan but girl huwag mo naman idamay yung bata myghad kaydaming gustong magkababy pero di binibiyayaan. Tapos nasabi mo din na kasalanan kay Lord yan, ABA OO NAPAKALAKING KASALANAN NIYAN. Sa 10 commandments nandun ang HUWAG KANG PAPATAY. Kung ipalalaglag mo yung baby aba parang pumatay kana din. Saka malay nyo Maam ayang bata na yan ang may dalang swerte at ligaya sa buhay niyo. Kahit anong pagsubok GOD HAS A BETTER PLAN FOR ALL OF US. May plano siya, yes di pa natin alam sa ngayon pero sa takdang panahon you will know what it is. Pray hard, It works. Trust Him no matter what happen.

Magbasa pa

Hiwalayan mo na ung bf mo, walang mganda maiddulot yan sau,, buhayin mo ang bata ng mag isa, kaya mo yan, napakadami na ngaun single mom pero kinakaya nila, ung bata na Yan ang magiging katuwang mo sa lahat, at wala sya kasalanan para ipagkait mo ang buhay. Wag mo ipilit ang sarili mo sa isang tao na lagi ka sasaktan, sa panahon ngayon si na uso ang magpakamartir,. Basta may hanapbuhay ka, mkakaya mo tumayo mag isa. Total may work ka nmn, pwede ka nmn humanap ng magccare sa baby mo, kung ayaw mo sa pamilya mo. Pero pasasaan ba mttanggap din nila ang sitwasyon mo, tiwala lng, at pray ka lng lagi. Dika pababayaan ni Lord😇

Magbasa pa

opinyon ko lng po to, dapat po hnd n tinatanong kung dapat ituloy o hnd, buhay na po kac yung pinag uusapan , di po kita idya judge sa nara2mdaman mong sakit, kac wala po aq sa posisyon mo, aq d aq pinandigan, wala rin akong nakuhang suporta, biniro pa ko na gusto ipa dna kung sakali yung magi2ng anak, q, d ko na pinansin, mahirap n pamilya lng din po ko, pero nung nlaman kong may buhay na nila2ng na sa tyan ko, nawala lhat ng pag aalinlangan ko, lalo na po nung nalaman kong may heartbeat na, at gumagalaw n po sya sa loob, dun naman po sa pamilya nyo, mata2nggap din po nila yan sa una lng po ,yung masa2kit na salita,

Magbasa pa

hi ngayon ko lang to nabasa pero sana di mo pinalaglag ung bata .. dahil sya ung magbbigay sayo ng strenght para harapin ung masasalimuot mong nararanasan , alam mo mkakakita kapa ng lalaking magmamahal sayo , iwanan mo nalang yan dahil di na yan magbabago i swear ! kaya mo yan sis lahat magsasabi na wag mong gawin un , atleast di ka babangungutin araw araw .. iwanan mo pamilya nya magbukod ka iwan mo sila dahil di maganda na mkasama mo pa sila always look at the bright side 😉 di ka papabayaan ng dyos cheer up lang 😇😇😇 at the great revenge para sa kanila eh ung anak mo kaya Wag mong gawin yang naiisip mo 😉

Magbasa pa

Yung iba gusto mag kaanak yung iba di binibiyayan tapos ikaw na may maayos na trabaho gusto mo ipapalaglag yung anak mo dahil lang sa babaero mo Jowa ? TANONG LANG ANO KASALANAN NG BATA ? Kasalanan nya bang babaero yung tatay nya kasalanan nya bang di sya tanggap ng magulang ng asawa mo or ng jowa mo or Family mo ? WAG mo ipag palit yung kalayaan mo sa pag papalaglag ng anak mo ! Ikaw din baka magSISI ka sa huli baka dumating din sa point na di kana bigyan ni Lord ng anak if ever !! MASAMA PUMATAY NG SANGOL ! wag kang selfish na pag katapos mo bumuka at mag paka sarap tapos nag bunga bigla mo nalang ipapalaglag !!!

Magbasa pa

Somewhat same situation here, pero hindi ko na isip ipalaglag ang baby ko. Girl mas matanda ka sakin and hindi ka bibigyan ni lord ng pag subok na hindi mo kaya. I suggest leave the guy and sabihin mo sa family mo yung totoo, yes you're the breadwinner nila pero now need mo help ng family mo, so ask for their help po. Sa umpisa makakarinig ka ng masakit na salita but sooner or later mawawala rin yun. Regarding naman dun sa guy just leave him na. Wag mo syang isipin block mo sya iwan mo sya, pakita mo na kaya mong ipanganak at palakihin ang anak mo. Kakarmahin din sya someday. And lagi kang mag pray. God bless.

Magbasa pa