UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Una sa lahat po,mababago ba ng pagpapalaglag mo ang sitwasyon nyo? Oo,madali para samin na sabihing hiwalayan yang asawa mo dhil wla kami sa sitwasyon nyo.pero isipin mo nlang po un baby nyo.Dapat po sa ganyang sitwasyon ay mas lumapit ka po kay God. Ipagdadasal ko po na sana ma enlightened un isip nyo po sa gagwin nyo. Blessings po ang magkaroon ng baby. Magsikap ka po na buhayin mag isa,imbes na mag isip ng masama sa baby nyo. Di ka po pababayaan ni God. Lahat tau may matinding pinagdadaanan pro God is the answer po. Please po maawa kau sa baby..buhayin nyo nlang poag isa.matatanggap nman po kau ng parents mo..Hugs and Prayers po☺

Magbasa pa

Tuloy mo lang sis, kung ano mang bigat yang ginawa sayo ng bf mo kahit gaano ka sakit wala na ang kasalanan ang bata, wag mo dungisan ang kamay mo, dahil habang buhay mo dadalhin pag tinuloy mo yan, proof mo sa bf mo na kaya mo tumayo mag isa kasama anak nyo kahit wala sya sa buhay mo, matatangap mo na ma's magiging ma kasalanan ka pa sa mata ng tao at sa mata ng dyos dahil lang sa ginawa nila sayo, yaan ang wag mo hahayaang mangyari sa sarili mo, tuloy mo, ngitian mo lang sila, hindi mo kailangan ng ganyan klaseng tao sa buhay mo. And lahat ng nangyayari sa buhay natin at dumadaing satin ay my plan si God, baby mo blessing yan,

Magbasa pa

continue mo yung pregnancy mo then magwork ka kung kaya mo then mag ipon ka sis para maka pag hire ka ng kayang makakapag alaga sayo pag 7 months hanggang pag labas ni baby mo then after mag work kana hayaan mo na ang lahat iwanan mo mga negative people around you blessing yan sis promise di ka magsisi at magkakaroon kapa ng inspiration dahil sa anak mo ganyan den kase ako parehas na parehas sa nangyayare sayo,now im working 2 months na ang baby ko inaalagaan naman sya ng maayos ng na hire kong baby sitter nya as in alam nya mga gusto ng baby ko and i dont care about the father of my son and my family also pero i still love my family

Magbasa pa

Please po.. Buhayin mo ang baby mo.. πŸ˜­πŸ™πŸ» wala po syang kasalanan.. At kung talagang sa tingin mo e ndi mo sya mabubuhay mag isa, ipa ampon mo na lang kesa patayin mo 😭 maraming tao ang nag aasam ng anak.. And since admit mo naman na kasalanan mo or kasalanan nio yan, well panagutan nyo po yan.. Hindi ung bata ang magsusuffer.. Nasa tamang edad kana at may trabaho ka naman, makakaya mo yan buhayin mag isa.. At naniniwala ako na sa umpisa lang galit yang parents mo.. Pero for sure paglabas nyang anak mo mawawala na ang galit nila.. Wag ka magpadalos dalos sis.. Hindi hayop lang yang papatayin mo,, tao yan! ANAK MO πŸ˜­πŸ’”

Magbasa pa

Sis please go to church and pray. Hindi ka bibigyan ng challenge ni God kung hindi mo kaya. Napaka laking kasalanan ang gagawin mo pag itutuloy mo. Isipin mo ang anak mo na walang ka muwang-muwang at gustong mabuhay pero ikaw ang papatay sa kanya. Marami ang single mom jan na kinaya nila.. Please sis, wag nyo po gawin nyan.. Marami po tao gusto mag ka baby pero hindi biniyayaan. Kung hindi mo kaya syang buhayin, ipa ampon mo lang. Basta wag na wag mo syang patayin. Mas ma buti mag talk ka sa isang priest. Gagabayan ka at pagsasabihan ka. God bless po. Ipagdadasal po kita na wag kang mag gagawa na ikakasama sa baby at sa sarili mo.

Magbasa pa

Mami, lahat naman po tayo may mabigat na pinagdadaanan pero hindi po solusyon bitawan si baby. Sa tingin nyo po ba pag binitawan nyo si baby, magiging maayos kayo? wag po kayong matakot sa pamilya nyo o sa sasabihin ng ibang tao, sa una lang po sila may masasabi pero pag andyan na po si baby sigurado po akong magiging maayos kayo at alam ko pong mabait kayong tao at makakapagpatawad agad sa mga may kasalanan sayo. para naman po dun sa ama ng baby nyo, kahit sustentuhan na lang nya ang baby, basta po magpakatatag kayo. ikaw lang po ang tanging nakakapitan ni baby kayong dalawa magkasama sa buhay, sana po lakasan nyo loob nyo.

Magbasa pa

Mommy.. Wag mong isipin ang problema... Hayaan mong ang problema ang mamoblema sayo... =) yong sa ka live mo... Let go mo na... Isipin mo nalang nabuhay ka sa mundo ng wala sya... Syempre kaya mo ding mabuhay ng wala sya... Kaya mommy di solusyon ang ipalaglag ang anak... Kasi sa tutoo lang wala syang kinalaman sa away, problema mo... Sa katunayan blessings yan na bigay ng Diyos sayo... Saka yong pamilya mo matatanggap din nila yan... Saka may idad kana 27?? Sapat na yan para pwede kana mag anak pati... Di naman kahihiyan na walang tatay ang anak mo... Ang kahihiyan yong nagpalaglag ka ng anak para sabihing dalaga ka.

Magbasa pa
VIP Member

alam mo..ipagpatuloy mo si baby ...una wala siyang kasalanan..di naman niya hiningi na mabuo siya sa tummy mo..hangad lang nang bata makita ang mundo wag mo sanang ipagkait sa bata yan..pangalawa may kanya kanya tayong pinagdadaanan .sana naman wag kang susuko..bakit may baby ka ngayon? bigay yan nang panginoon...at may dahilan kung bakit may baby ka ngayon di natin alam kung anong maibibigay niya sa buhay mo .kaya wag kang mawalan nang pag asa....lahat nang pagsubok may solution..di solosyon ang ipalaglag si baby . pray lang ...God always listen our prayer..just trust the Lord and let him work your future..πŸ’•πŸ’•πŸ™πŸ™πŸ™

Magbasa pa

Hi mommy. Nasa tamang edad ka na po wag mo pong isipin na ipa abort si baby. Sa ganyan edad baka mahirapan ka na mag conceive ulit kapag gusto mo na tsaka kung decided ka naman na iwan yung partner mo gawin mo para maiwasan ang stress sayo. Wag mo po iisipin ang sasabihin ng iba. Kung masakit man po pakinggan wala na po sila magagawa. Ang mahalaga kasama mo ang baby mo. Kayong dalawa nalang ang magkakampi. Wag mo pong gawin yung bagay na pag sisisihan mo din sa huli be happy po na may kasama ka padin kahit iniwan ka na ng lahat kasama mo si lord at si baby mo. Be strong po praying po your peace of mind. Godbless po ❀️❀️

Magbasa pa

Ang magkaroon ng kakayahang magdalang tao at magkaanak ay biyaya galing kay Lord. Magtiwala kalang, lahat ng sakit at hirap na nararanasan mo ngayun mawawala rin yan balang araw. Ayaw mo bang maramdaman ung kaligayahan sa pagkakaroon ng anak? Walang bagay sa mundo ang hindi mo kayang lampasan mommy. Kaya mo yan! Magtiwala kalang na may magandang plano sa buhay mo si Lord. Pray lang mommy pag feeling mo sobrang bigat ipagkatiwala mo lang kay Lord yan, Sya na ang bahala. Promise gagaan din yan.. Wag mo intindihin ang sasabihin ng iba. Intindihin mo ung blessing ni Lord sayo 😊 think positive klang lagi mommy. Hindi ka nagiisa

Magbasa pa