UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

..... Nako... Waq. Taung gnayan sis.... ... . waq mong. Itapon. Ang blessing. Na. Bnigay. Satin Tska. Walang. Kasalanan. Yan.. Ipaubaya nlng. Natin Kay papa god. Lahat. Nang problema. Natin... Tska.. Kong... Dnman. Nila. . napaparamdam. Sa baby mo. Na. Dsya. Masyading welcome.. Oh. Love. Iparamdam. Mo. Nman sa. Knia kong. Gano. Mo CIA. Ka. Mahal.... Kz ako. Isang beses. Ko din. Naisipan. Yan... Pero. This. Time. Na realize. Ko. Na..... Kaylangan. Ko. Din pla. CIA... Tska. CIA. Lng. Ung. Nag papatatag skin. Ngaun. ..... Kz minsan gnun. Din. Ako. Dko. Minsan. Ma feel. Na. Love Jamie. Nang daddy nang baby. Ko...... .

Magbasa pa

Always remember na blessing yan sis. Wag mo idamay si baby. God has a better plan for you and for your baby, wag ka susuko. Wag mo hayaang maging option ka lang nung ka live in partner mo, you should be strong kasi paglabas ni baby mo, marerealize mo na sya ung greatest gift na nareceive mo sa buhay mo. Yes, masakit pero you have to conquer it, para na din sa baby mo. Gawin mo syang motivation para mag move forward. Hayaan mo na ung walang kwentang bf mo, kasi mas mahihirapan ka lang kung itutuloy mo ung sainyo, na habang lumalaki ung baby mo at baby nya sa ibang babae, poproblemahin mo pa kung andun sya sa isa. Kaya mo yan ate, kapit lang.

Magbasa pa

Yung mama ko naman nabuntis date ng ex nya (na tatay ko) tas nung malamang buntis iniwan at di pinanagutan. Ayun magisa nya ako na binuhay pero kalaunan nagasawa den sya nan iba kaya bata palang ako sa lola ko na ako lumaki. Kinaya nya naman ako ipagbuntis at ipanganak kahit na nasaktan sya ng sobra at magisa lang sya. Hm kung ako tanungin kung grateful ba ako na binuhay ako 50:50 haha. Pero yun nga an tanong kaya ba nan kunsensya mo dalhin habang buhay kapag pinatay mo ang bata na yan. Kung kaya mo yon at mas higit yun saket at hirap na nararanasan mo ngayon kesa dun sa dadanasin mo palang na guilt in the future, nasa iyo na ang desisyon.

Magbasa pa

Hindi ito ang tamang panahon para magdesisyon ka ng mga dapat mong gawin sa buhay mo dahil may nararamdaman kang sakit at hindi ka makapag-isip ng maayos at matino. Kailangan mo tumakbo sa iyong pinakamalapit na kapamilya, kamag-anak o kaibigan para mailabas mo lahat ng sakit. Iiyak mo yan gang maubos ang luha mo. Gagaan ang pakiramdam mo pag naiiyak mo yan. Wag mo idamay ang baby sa sinapupunan mo. Sknya ka kumuha ng lakas. Kapag pinalaglag mo sya, habambuhay ka babangungutin ng konsensya mo. Blessings ang mga baby sa buhay natin. Pag nakita mo na sya, walang katumbas ang sayang mararamdaman mo at mabubura nya lahat ng sakit ng nakaraan.

Magbasa pa

Sobrang depress din ako durimg that time ganyan din sis pinagkaiba lng po nakipag hiwalay ako sa bf ko na nakabuntis sakin kaye ko din kasi napag tanto na nabuntis niya ako at nabuntis din niya ung new gf niya andon ako sa punto na lumapit ako sa knila pero deny the fact at ung girl ano no nasabi sakin mahirap sis na ako lng mag isa perro iniisip ko kakayanin ko para sa baby ko dahil siya na lng ang magmamahal sakin at aalagaan ko siya mag focus ako sa kny lahat ginawa ko during pregnancy at inilabas ko siya sobrang hirap pero nanalig ako kay god na kakayanin ko and biw 6 years old na siya .kaya alam ko sis masakit pero magpakatatag ka

Magbasa pa

Ituloy nyo po pagbubuntis. Walang kasalanan ang bata sa kasalanan ng ama nya. Kung ayaw nyo pong magka roon ng koneksyon sa bf mo. After nyo po manganak, ipa adopt nyo ung bata. At mag focus kayo sa pamilya nyo dahil gaya ng sabi nyo, bread winner ka. Wag na wag nyo pong ipapalaglag ang bata dahil blessing po yan mommy. Tatagan nyo po ang loob nyo. Mainam din po sana kung lalayo na muna kayo sa bf nyo kasi nakakasama po ang stress sa pagbubuntis. Posible kayong makunan dyan. Base po sa pagkaka kwento nyo mukang depress na nga din po kayo. Seek help to others. Mga kaibigan nyo po or ung mapagkakatiwalaang family member nyo. Stay strong po

Magbasa pa

Wala pong kasalanan yung baby sayo kaya wag mo siyang ipapalaglag. Hindi niya po kasalanan na niluko ka ng tatay niya. Kahit kelan hindi naging tamang solusyon na ipalaglag yung baby para mawala yung problema mo. Sobrang kasalanan po yan kay God. At habang buhay mo yan dadalhin sa kunsensya mo. Palagi mo yan maiisip na minsan sa buhay mo nagawa mong Alisan ng buhay ang anak mo na wala naman kasalanan sayo. Kaya Instead na ipalaglag mo siya bakit hindi mo na lang siya gawing inspiration para malagpasan mo lahat ng paghihirap na nararanasan mo. Wag mo pong iisipin yung sasabihin ng iba. At hiwalayan mo na rin yang bf mo. Wala siyang kwenta

Magbasa pa

Sis 🙏🙏🙏 wag mong problemahin c baby.. kc pag labas nya dun mo mararanasan yung totoong saya.. iwan mo jowa mo kc sya yung nag papabigat at nagiging dahilan ng mga pinoproblema mo.. ano naman sis kung wala syang ama . Ang mahalaga buo mo syang mamahalin hanggang sa paglaki nya.. ikaw ang mas kailangan ni baby sis hindi ang amang paulit ulit kang niloloko(sorry sa word).. At sa pamilya mo nmn sis, hindi naman po forever mo silang susustentohan nasa tamang edad ka na sis ii.. maiintindihan ka din nila kc pamilya mo sila.. pray ka lang lage sis pag hindi mo na kinakaya para maiwasan mong mag isip ng masamang bagay.. 🙏🙏🙏

Magbasa pa

Bakit si baby ang dapat magbayad nang kasalanan nang LIP mo? We all know na galing yan sa Panginoon. Blessings from God. Blessing is huge. Blessinga is a big responsibility. Sa tingin nyo ba Misis magiging masaya ka kapag inabort mo si baby? Tapos makikita mong yung kabit nang Asawa mo masaya silang dalawa? Nawalan ka na nga nang anak, durog na durog pa puso mo. Wag mong gawin yung pagsisisihan mo sa huli. Alagaan mo sarili mo, dahil sa inyo ni baby. Maging masaya ka dahil kay baby. Dahil si Baby siya ang great love mo. Hayaan mo lang Tatay niya na bumawi sayo. Ikaw ang legal kahit hindi pa kayo kasal. Ang lagi mo lang isipin, si baby.

Magbasa pa

kung gusto mo na lumaya e di hiwalayan mo na? bakit kailangan mo pa din makisama e may trabaho ka naman. hindi rason ung kaya mo ipapalaglag para wala ka nang iisipin na kung ano pa... bakit pag pinalaglag mo ba sa palagay mo di ka makokonsensya? mas mahirap takasan yan. hindi lang ikaw ang breadwinner na nabuntis ng hindi kasal. tsaka nasa tamang edad ka na para dyan. sa palagay mo ba di mo binigyan ng kahihiyan pamilya mo nung nakipag live in ka? ang dami daming gusto magkaanak na di mabiyayaan tapos ikaw na binigyan papatayin lang anak mo. kung ayaw mo sa bata at wala kang pagmamahal sa kanya, ipaampon mo na lang kesa ipalaglag mo.

Magbasa pa