UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Please remove all your pride.. Kaya mong buhayin mag isa yang anak mo, naduduwag ka lang.. tanggapin mo lahat ng sasabihin sayo ng pamilya mo, sa una lang yun pero hindi ka nila kayang pabayaan sa ganyang sitwasyon. Wag mong isipin ang sasabihin ng lipunan sa family background ng anak mo, kung ganyang klaseng ama ang kakalakhan ng anak mo, MAS magiging nakakaawa sya. Hindi ka bibigyan ng pagsubok ni Lord na hindi mo kaya sis.. kapit lang.. sa kabila ng lahat ng sakit na dinaranas mo ngayon, may liwanag na sisikat para sayo. May mas magandang opportunity. Malay mo, sa huli ay makilala mo ang taong bubuo sa pamilyang pangarap mo para sa anak mo.

Magbasa pa

Wag mo pong ipaabort ung baby.. di nman nya choice n mabuo sya.. desisyon nyo naman un nung partner mo dba. So labas ung baby sa usapan. Pakatatag ka te, kayanin mo para sa anak mo. And if ever na lumabas na si baby sa mundong ito.. walang habol ung partner mo dahil di naman kau kasal.. so makakalaya ka parin sa kanya. Kung ung iniisip mo naman is ayaw mong lumaki ung anak mo na walang ama, wag ka mag alala dahil ung mga ganyang bagay sa mundong ginagalawan ntin ngaun eh normal nalang. Madaming bata na lumaki naman ng maayos kahit walang kinagisnan na ama. Wag mo sana ipagkait sa anak mo ung karapatan nya para mabuhay. Sana wag mo po masamain

Magbasa pa

Sis Ipagdasal mo yan sa Diyos hindi yung puro negative nasa isip mo just let go sa mga bad vibes hindi yan nakkabuti sayo lalo nat buntis ka, love that child kase wala siyang kasalanan pwede namang magpakasal kayo ni bf para ikaw ang legal na asawa at walang mawawala sayo. Sa ngayon submit to God lahat ng problema siya lang makakatulong sayo to ease the pain inside walang magandang maidudulot ang pagpapalaglag kase buhay kapa sinusunog na kaluluwa mo sa impyerno once you bury a life buhay din ang kapalit. Godbless to you Sis laban lang sa buhay kung gusto mo makawala sa kanya u can naman but raise that child well with the Lord in your life ☺

Magbasa pa

Come to think of it sis, nung sumama ka para makipaglive in and tumagal naman kau nag mahigit 1yr di ba pumasok sa isip mo na kaakibat ng pagsasama nyo kung wala ka namang ginagamit na contraceptives may tendency na mabuntis ka, at kagaya ng sinasabi mo na may attitude ang lip mo sana nah ingat ka na nga na wag ka na mabuntis para di maging kumplikasdo, at ngaun anjan na ung baby bakit kailangan na xa pa ang mag adjust sa problema nyo ngaun, na kung tutuusin xa lang ang dinamay nyo sa problema na meron ka, hindi b pwd na humiwalay ka pero buhay ang baby? Bakit need na hihiwalay ka pero dapat iabort ang walang malay na bata,??? Hays🙄🙄🙄

Magbasa pa

the best thing to do is to seek help from God. alam ko gulong gulo ka, alam ko mahirap, alam ko masakit. talk to God. he'll help you :) wag mo po ipa abort yan sis. alam ko di madali pero isipin mo na walang kasalanan baby mo. it's a blessing. every baby is a blessing. kahit anong kagagahan yung ginawa natin, wag na wag natin idadamay yung bata. you'll never know the happiness until you hear the heartbeat of your baby. baka magbago isip mo. para naman don sa jowa mo, hiwalayan mo na yan. walang magandang maidudulot yan sayo. masstress ka lang. you can do it sis. i'll pray for you. piliin mo lang lagi yung mabuting gawin. tutulungan ka Niya :)

Magbasa pa

Sana liwanagan ng Diyos ang isip mo.. alam mo yan na sa una pa lang mali na ang binabalak mo. maawa ka naman sa baby mo ate may heartbeat na yan, nadurog ang puso ko sa nabasa ko.. ako araw arw gabi gabi kong pinagdadasal na sana makarecover na ko from threatened miscarriage tapos ikaw nagbabalak ka ipaabort ang pinagbubuntis mo.. grabe.. magdasal ka ate kung may pinaniniwalaan kang Diyos dahil demonyo na ang nagpapagalaw sa isip mo..anong kasalanan ng baby mo at sya ang kelangan magsuffer ng husto? Bf mo lang yan pasalamat ka hndi mo pa asawa. Sya ang alisin mo sa buhay mo wag ang baby mo.. Diyos na ang bahala sa konsensiya mo.. God bless..

Magbasa pa

gawin mo nalang po na strength mo yung baby mo.. what if pala,, ipinaabort mo yung baby mo ngayun.. tapos yun na din pala ang last chance mo na magkaroon ng baby.. gets mo po ako?? i mean kahit makahanap ka ng iba.. panu kung hindi kana magkababy.. diba mahirapan kana.. gawin mo siang strength mo po.. dahil sayu lang din huhugot si baby ng lakas.. may trabaho ka naman po diba sabi mo.. at nasa right age kana.. wag mo paikutin yung mundo mo sa lalaki na yun ,, sa baby mo nalang.. after that ipakita mo sa knila kung panu mo kinaya .. kahit wala sila,, wala yung suporta nila.. be strong enough,, god sees all your struggles and pain.. believe

Magbasa pa

Hindi solusyon ang pagpapa abort ng bata sa problema mo. Iwan mo yang lalake. Mabuhay kayong dalawa mag ina. Mabubuhay ang anak mo kahit walang tatay. Palakihin mo siyang maging mabuting tao. Walang kasalanan yang baby para ipalaglag mo. Kung ayaw mo sa bata, ipanganak mo at ipa ampon. Pero wag n wag kang papatay lalo na ng inosenteng nilalang na hindi naman ginusto na mapunta dito sa mundo. Wag mong gawing dahilan si baby para mag stay sa walang kwentang lalaki. Iwan mo kung iwan. Kayanin. Ganun talaga ang buhay. Napakaraming single parent ang nabuhay naman at napalaki ng maayos ang anak. I am also one. Kinakaya at kakayanin para sa anak.

Magbasa pa

Sis, wag mong gawin yan sa baby mo. Naniniwala akong everything happens for a reason. Baka kapag ipalaglag mo yan di kna mgka baby in the future or worst may masamang mangyari pa sayo. Naiintindihan ko pinagdadaanan mo. Minsa kasi kapag nasasaktan tayo nakakaisip tayo na gumawa ng masama. But isipin mo munang mabuti if magiging masaya ka if ipapalaglag mo ang baby mo. Baka kasi di na rin patulugin ng konsensya if gawin mo yun. Sis, iiyak mo kay Lord lahat. Humingi ka ng tulog sa kanya. Naririnig niya ang mga iyak at daing natin. Please maawa ka din sa baby mo. Baka sya ang binigay na blessing ni Lord pra makawala ka sa loneliness mo ngayon.

Magbasa pa

sis wag mong ggwin yan...bigay ng Diyos galing s langit yan...yan ang anghel n ggbay sau at mabbgay lakas sau...sya ang kaisa isang tao n magmamahal sau at magiging kakampi mo...napakaraming mommies dito n nawalan ng baby ng d sinasadya at npakaraming babae ang nangangarap n magkaanak pero hindi mabiyayaan...ikaw blessed kna pero parang gusto mong tanggihan ang bigay ng Diyos sau...walang kasalanan ang bata...pwede mong iwanan ang asawa mo anytime pero ang anak d yan kayang palitan...sana magising ka...tao, dugo at laman mo ang batang nasa sinapupunan mo, balang araw maiintindihan mo din kpag nakita mo ang ngiti ng anghel mo paglabas nya...

Magbasa pa