UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis walang kinalaman si baby sa gulo ng bf niyo ngayon. Kapag ba nagpa abort ka babalik tiwala mo sa kanya? Maayos at babalik lahat sa normal? Hindi naman diba. Wag mo idahilan na hindi mo maiwan ang partner mo dahil may baby kayo. You may have failed as partners pero kung concern at mahal niyo talaga ang magiging anak niyo then i-work out niyo nalang kung pano kayo magiging mabuting magulang. But that doesn't mean na kailangan magkasama kayo. Nalulungkot ka na hindi ka tanggap pati baby mo ng family ng bf mo pero ginagawa mong option ang abortion? Wag ganun sis! I think naman very capable ka rin maging single mom tatagan mo lang loob πŸ’ͺ🏻

Magbasa pa

It might be a blessing in diguise, sometimes iniisip ntin na hindi ntin kaya without even trying. Baby is an angel, maybe He sent it to you, because that's what you needed the most. Someone you can call your own. Maniwala k lng kay Lord, He was never wrong. If you want to be free, free yourself by letting him go and letting the baby live. May kakampi kna at un ay ang baby mo. If magalit family mo sau, dahil sa sitwasyon mo at d k nila tanggapin, hayaan mo sila. Atleast, malinis ang kunsensya mo at maluwag ang pkiramdam mo dahil alm mo sa sarili mo n tama ang ginawa mo. Godbless you mommy, wag k gagawa ng bagay na siguradong pagsisisihan mo sa huli.

Magbasa pa

Have faith in God 😊 isipin mo na lang pagsubok yan. Kung ganyan ugali ng partner mo much better iwan mo na lang kasi kung mahal ka nya babalik naman sya sayo at magbabago sya. Isipin mo ang baby mo na walang kamalay malay sa nangyayari sa paligid nya. Pinagdadaanan naman daw talaga ng ibang buntis ang depression at stress lalo pag feeling mo mag isa ka lang na humaharap sa problema nyo. Wag mo idamay si baby please. Pray lang ng pray, humingi ka ng guidance kay Lord para malampasan mo mga problema mo. Soon paglabas nya masasabi mo na lang na worth it na hindi mo sya pinalaglag. Lahat ng hirap and sacrifices mo mawawala pag nakita mo na baby mo.

Magbasa pa

dear sister in pain, nabasa ko po ung concern mo, and naramdaman ko yung burden, sadly hindi po sagot ang abortion lalo if alam natin na kasalanan to. sisterly advice: Forgive. kahit feeling mo hindi deserve. forgiveness is a process pero can be as swift as a second. decide.un lang ang makakapag palaya syo..youll see amazing blessing sa iyo when you give forgiveness..then let the Lord provide and satisfy you and your baby's need habang nagiging brrad winner ka ng family mo..sa dulo, you'll know you did your best.wala kang nasaktan. i will pray for you.May God meet you right now, hug you tight and comfort you sa very challenging situation na ito..

Magbasa pa

its a no for me , naiintindhn ko stwsyon mo pro hnd mo dpt idmy ang batang gusto mabuhay at anjan para sayo. same tau ng case sis iniwan ako ng lip ko dhl nabuntis nya ex nya sby na nabuntis dn ako at un pdn pinili nya support dn ng fam nila pro ni mnsn d ko naisip na ipalaglag ang baby ko. blessing sten yang anak natn sla magmmhal sten at magaalala habang buhay . oo anjan kana sa mskit but isipin mo nmn ipagkakait mo sa bata na gstong mbuhy pra mahalin ka. pagisipan mo yan kung ipapalaglag mo baka hnd kana mgkron ng bby kung ggstuhn mona sis. mrming single moms ang kaya mabuhay ng wala ang lalake . lalake lang yan pro ang anak ntn kayamanan yan !

Magbasa pa

Hindi mo kailangan ng lalaki okay? Sabi mo 27 kana, nasa tamang edad at may trabaho. Kung ayaw ng lalaki at ng pamilya niya, edi hayaan mo. Their loss, not yours. Niloko ka ng kalive in mo? Eh so ano? Good riddance. Maging solo parent ka. Kaya mo yan. Mahalin mo lalo ang anak mo at gawin mong inspirasyon. Hindi pwedeng mahina ang loob mo. Seek support from your family and friends. They will help you get through. At syempre mag pray ka. God will provide. -TRUST ME. BEEN THERE DONE THAT. 4 MOS OLD NA BABY GIRL KO AND STILL FIGHTING. NILOKO DIN AKO AT AYAW SA APO NILA NG FATHERS SIDE. I DECIDED NA F*** THEM I DONT NEED THEM ANYWAY. KEEP GOING πŸ‘

Magbasa pa
VIP Member

hindi ko na tinapos sis. alam mo ang kasalanan ng bf mo hindi kasalanan ng anak mo for sure during ginagawa nyo ang bata mahal na mahal mo bf mo pero bakit kailangan baby ang magsakripisyo sa pagkakamali ng parent. For sure umiiyak ang baby sa tyan mo. Eh ano kung dika nila tanggap nila, mahalin mo pa din anak mo kasi sarili mo yan, saiyo nanggaling yan dugot laman mo. Please lang alam ko masakit ang maloko nakakagalit oo pero wag sana idamay ang baby. May magulang ka naman siguro for sure mamahalin nila anak mo. Malayo pa kabuwanan mo makakapag ipon kpa. Pag isipan mo sana maigi million times gagawin mo pano kung sa sunod di kna magkaanak. Hays.

Magbasa pa
VIP Member

I cant blame you, We have different stories to tell sis. Gusto ko lang malaman mo na, lahat nang bagay nangyayari ng may dahilan. Maaaring panget man ngayon pero tandaan mo hindi palaging nasa darkness. Light will come and your story one day will be a testimony sa marami pang mga babaeng nakakaranas ng medyo same sa story mo. Pray hard and I KNOW ALAM MO ANG DAPAT AT TAMANG GAWIN SIS 😘 Tiwala lang matatapos din lahat ng yan. Ako rin Unplanned itong pagbubuntis kasi sobrang dami ko pang pangarap para sa sarili ko at pamilya ko pero, dumating ang panibagong yugto na magbabago satin. Tuloy lang ang buhay. Kaya mo yan! Go Mommy! God is with you!

Magbasa pa

Ituloy mo kawawa baby walang kasalanan c baby sa mga nangyayari sainyo kaya wag mo idamay bata at 27 ka na pala dapat nasa hustong pag-iisip ka na dapat alam mo ang mali sa tama..kasalanan ang pumatay lalong lalo na walang kamuwang muwang yung bata..kaya mo naman mabuhay kahit na wala yung lalake na yan..ituon mo ang pagmahal at atensyon mo kay baby..ang saya saya sa pakiramdam pagnakita nahawakan mo na c baby..yung lalake mapapalitan yan..wag mong pansinin mga kamag-anak nung lalake na yon eh ano kung hindi nila tignan yung anak mo mabubuhay naman kayo ng anak mo kahit kayong dalawa lang.. basta ibuhos mo na lang pagmamahal pag-aalaga kay baby.

Magbasa pa
VIP Member

Mommy let go of that useless guy but never let go of your baby. Yan ang biggest blessing mo. Mahihirapan ka sa una pero everything is worth it in the end. I promise you that. May work ka, kayang kaya mo palakihin si baby mag isa. Mas mabuti kung magbibigay ng sustento yung ama. Kung hindi, pwede mo kasuhan. Wag na wag mo lang po idadamay si baby wala syang malay mommy :( wala syang kasalanan kaya don’t hurt your baby. Blessing yan ni God, I promise you. You are a strong independent woman and a soon to be mom! Para sa lalaking walang kwenta, I’m sorry to say this pero papatay ka ng batang walang kamalay malay? Please, no. Don’t. Never ever.

Magbasa pa