UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag mong ipa laglag yong baby mo kasi ..hndi lahat ng babae ay mabibiyayaan ng anak .ang iba nga jan ..kahit hiwalay na cla sa bf nla ..pinipilit padin makabangon para lang s anak nya . ..masama kasi kong ipa abord mo yong baby kasi hndi naman niya ksal anan ..na mabuhay ..at malay mo yan anak mo ang magdadala sau ng swerte at maka hanap kapa ng lalaki na magmamahal sau ng totoo ..hihiwalayan mo nlang yong lalaki at magpapakatatag ka .at.mbubuhay mo dn ung baby kahit na mag isa ka at always pray nlang kay god .tutulongan ka niya wag kang magpapadala sa tokso .. ...at damdamin mo .....gogo lang sis kaya mo yan at matatanggap dn ng pamilya mo yan..

Magbasa pa

I felel you sis. Napunta na rin sa isip ko yan, ang ipalaglag ang baby ko. Ang hirap kasi ako ang nakikitang pag.asa ng mga magulang ko na umahon sa kanila. Tapos ayaw din ng ama ng pinagdadala ko kay baby. Buti nlang hindi ko tinuloy. Kasi napakasaya ko kapiling ko si baby ngayon. Single mom ako, kasi wla na tlagang supporta yung ama ni baby pero okay lang. Pinagsasabay ko ang trabaho at pagiging ina. Nakakatulong pa rin naman ako sa mga magulang ko kahit sa maliliit na bagay. Mahirap oo, pero nakakaya. Basta kasama ko baby ko, tanggal lahat ng pagod at sakit sa puso ko. Kaya sana maging inspirasyon ang kwento ko sayo. Ipaglaban mo baby mo.

Magbasa pa

bakit dadamay mo ung baby mo na wala namng kinalaman sa kagaguhan ng bf mo blessing ang baby alam mo ba un. hindi yan kahihiyan... ikaw ba nagdalawang isip ba si lord o nag isip ba sya ng kahihiyan na sasabhin ng iba para iligtas nia ung mga anak nia hindi diba kung talagang may takot ka kay Lord kaya mo man o hindi.. hindi mo ipapalaglag yan.. tesame 3months preggy and alam ko na di tayo papabayaan ni Lord ung pagtitiis nga sa panloloko ng bf mo natiis mo bakit ung para sa baby mo di mk kaya.. iwan mo lahat ng sakit at magsimula kayo ng baby mo wag mong iisipin ssbhin ng pamilya mo o kahit na sino ina ka na din ngaun dapat mas priority mo baby mo...

Magbasa pa

Ang maganda sa lahat ndi kau kasal kaya malaya ka makipag hiwalay, jusme dami pa darating sa buhay mo, wag ka magtiis sa babaero. Sakit sa ulo lang yan mababaliw ka lang. At saka may Sss ka naman ata at philhealth gora mo na yang pagbubuntis mo no worries ka na, pagka panganak mo pabinga lang ng ilang buwan, work ka na. Makakatulong ka ulit sa magulang mo at may mag aalaga naman sa anak mo. Kaya walang ikakabahala. Pag nakita mo na si baby, ndi mo na maiisip ang hirap na pinagdaanan mo, magiging strength mo pa sya. Pa sustinto mo nalang sa bf mo. Wag ka na naguguluhan, always pray anjan lagi ang diyos, ndi tau pababayaan. Sa kanya ka humugot ng lakas.

Magbasa pa

Wag po. Ang sakit lilipas rin yan pero pg lumabas na baby mo sa kanya na iikot amg mundo mo. Hiwalay rin po kmi ng ama ng unang anak ko, bonus pa kinuha nya lahat pera ko. Kaya ako nanganak na mahirap pa sa daga. Pero after naman lumabas si baby dumating lahat ng blessings ko sa buhay. Sobrang bait din ng baby ko ngyon 6yrs old na sya walang wala sa ibang bata na makukulit. Isa pa, sabi nila sis kapag nagpalaglag mamalasin ka habang buhay. Marami narin ako kakilala na nagpalaglag, ayun ang saklap ng mga buhay nila parang nakakabot na palagi yung kamalasan sa kanila. Kaya kapit lng, intindihin mo anak mo wag yung lalaki. Binigay yan sayo for a reason.

Magbasa pa

Ituloy mo.. Bukod sa malaking kasalanan ang gagawin mo na dadalhin mo buong buhay mo, di yan ang magiging sagot para makalaya ka sa sitwasyon mo ngayon. Be strong, alam mo momsh, yang baby mo nalang ang magiging kakampi mo kahit anong mangyari. Hindi mo alam kung magkakaroon k ba uli nyan, kaya alagaan mo. Ipaglaban mo. Panindigan mo. Mwala nalahat sayo wag lang ang anak mo, dapat ganun k mag isip ngaun sis. Hindi naman komo may anak na kau nung bf mo di kana pwedeng kumawala sa kanya. Pray ka, pray harder this time. May buhay na umaasa sau ngaun kaya wag mo sya pababayaan. Sa lahat ng darkest trials natin laging meron light momsh. Kapit ka lang❤️

Magbasa pa

Keep the baby, blessing yan. Humiwalay ka na sa bf mong selfish at monster family niya. Kung maipapaintindi mo sa family mo yung sitwasyon mo at kupkupin ka nila muli, then that's good. If not, bumukod ka na and try to be a mature adult para sa baby mo. Yes, sobrang hirap na challenge at gabundok na pagsubok pero need mo lang unahin ngayon ay yung sarili mo at baby mo. Wag mo na isipin yung mga sinasabi or iniisip ng ibang tao tungkol sa'yo. Hindi ka naman nun mapapakain. Just always pray kay Lord na iguide kayo ni baby. In time, makakahanap ka rin ng mga taong magiging part ng healing mo. At kasama na rin yung community dito sa app na susuporta sayo.

Magbasa pa

May trabaho ka naman at makakaipon kapa. May Phil health ka din naman siguro. Ako nga 16 yrs old and 17 weeks pregnant pero itutuloy ko ito kasi mahal ko yung bata. Hindi mo kailangan bf mo para makapag decide kang buhayin yung bata. Kung ayaw mo na sa lalaki edi iwan mo, hindi yung pati anak mo idadamay mo. Alam kong mahirap sitwasyon mo pero as if naman ikakamatay mo pag nilayuan mo yang lalaki na yan e dika na nga mahal. Kung toxic relasyon niyo edi go! Alis! Pero hindi kailangan idamay ang bata dahil anak mo yan. Mamahalin mo din ng sobra yan unti unti. Pilitin mong kayanin dahil kailanhan matatag loob mo at kakampi mo yang anak mo, hindi kalaban.

Magbasa pa

Momshie, for me, unang una walang kasalanan ang bata sa kung ano man ang sitwasyon mo/niyo, pangalawa, ang pamilya ay nagagalit sa una lang yan pag nakita na yan nila ang baby mo mawawala lahat ng galit mapapalitan ng saya at pagmamalasakit. Kung ako nsa kalagayan mo iiwan ko na yang bf mo at magfofocus ako sa pagbubuntis ko, uwe ka nalang sa family mo magagalit sila oo natural yun, pero mapapatawag at matatanggap kadin nila. Pag nakita mo na si baby, masasabi mong worth it lahat ng sacrifices at hirap ng pinagdaanan mo promise. Wag ka manghinayang sa bf mo, manghinayang ka sa anak mo. Go lang mommy, kaya mo yan! Pray lang lagi. Godbless.

Magbasa pa

Be strong momshie wag mong idamay si baby, blessing po yan, yung bf mo di mo sya deserved, always pray lang po malalagpasan mo rin yan, di ka nagiisa dahil maraming single mom di ka nag iisa at isa na ko dun😊, think positive lang po tau hayaan mo yung sasabihin ng ibang tao, pasok sa kabila labas sa kabila masasawa din sila manghusga lalo na pag alam nilang di ka affected . Yung family mo matatanggap ka rin lalong lalo na si baby. Wag mo syang ipalaglag sobrang sarap magka baby kahit walang kwenta yung ama nila iba parin pag alam mong hindi ka na nag iisa dahil magkakababy ka na ,,gawin mo syang inspirastion para lumaban at harapin ang bukas 😊

Magbasa pa