UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Don't make decisions so rashly. Tandaan mo po, maraming babe ang gusto mag ka anak pero hindi nabibigyan ng chance. And hindi wala nmn kasalanan yung bata, I know ma hirap because you're thinking about what will other people will tell you, kesyo na buntis ka walang tatay, but tbh whether ma uti or masama ang nangyari sayo, people around you will always have something to say behind your back. And I know breadwinner ka pero for sure mahahanapan Yan ng paraan. Pero if pinalaglag mo yang baby mo do you think mapapanatag ka ba? Do you think hindi ka makokonsensiya? Pray for wisdom and discernment. At every decision my consequences pero you need to decide wisely. 😊

Magbasa pa

Wag na wag mong ipalaglag sis! Yung kapatid ko ginawa ang lahat2 para kumapit ang mga baby. Ang laki laki na ng nagastos. Imagine naka maximum dosage na siya ng pampakapit at in and out sa hospital. Fina figjt nila ang mga baby. Yung last nag pe pray sila kahit 27 weeks man lang. Complete bed rest na yung kapatid ko pero nag open yung cervix niya at naglabor. Delikado na sa kanya if i fa fight pa namin babies. Ayun at 21 weeks, lumabas ang kambal. Wala kaming magawa kasi maxadong premature. Wag na wag mong ipapalaglag dahil may mga mommies dito na nahirapang magbuntis o nag suffer ng miscarriage. Every baby is a blessing. Kaya mong palakihin si babΓ½ ng mag isa :)

Magbasa pa
6y ago

Tama ka sia pinagdaanan ko din na gnawa lahat. Masakit pro god xchange it with another blessing ngaun 26 weeks na aw and ok na ok na un baby...

Hi sis. Alam mo, 'yang baby na 'yan ang magiging kakampi mo sa buhay. Huwag mong hayaang mahiwalay siya sa 'yo. Ako rin man, ang laki ng takot ko. Marami akong narinig, naisipan ko mag abort pero naisip ko, baka kung kailan gusto ko na mag ka-baby eh hindi na ako bigyan ng Panginoon. Kaya kung ano man sabihin ng iba, tagos nalang sa tenga, sinasapuso ko yung magagandang nasasabi sa akin. Pinapatibay ko sarili ko. Nag sisimula palang ako sa totoong buhay dahil halos ka ggraduate ko lang at kaka hire lang sa akin. Wala pang ipon o kahit anong investment. Pero ngayon, nag karoon ako ng ideya binigyan ako ng Diyos kung anong dapat kong gawin habang nabubuhay.

Magbasa pa
VIP Member

may batas naman po na kailangan magsustento ng ama. Umalis kana po sa kanya at alagaan mo ang sarili mo. bumalik ka sa parents mo dahil kahit gaano pa kabigat ang pinagdadaanan mo, hindi mawawala ang pagmamahal ng magulang mo sayo lalo sa sitwasyon mo po. Mali ang ginawa sayo ng bf mo makasalanan sya pero mas makasalanan ang pumatay ng anghel momsh. best thing to do, pumunta sa brgy with your parents and yung bf mo with his parents para makipag areglo na sustentuhan ang anak nya at ikaw naman ang mag aalaga kahit hiwalay na kayo since di naman kayo kasal. God Speed! maging matatag ka lang momsh! walang ibibigay na pagsubok si Lord na hindi natin kakayanin. :)

Magbasa pa

i'm a single mom sis oo dati naiisip kung ipalalag dn c baby ko pero inisip ko wala nman syang kasalanan at isa syang blessing sa buhay ko let the baby live sis at isa pa mtatanggap dn nang family mo yan wag mo isipin ang ibang tao huhupa dn ang mga yan.. oo mahirap buhayin mgisa c baby lalo kung susupurtahan mo pa ang family pero in the end maiisip mo lng dn lhat nang hirap is worth it pla lalo na sa anak mo..lalo na pg naisilang na sya it will be your strength and source of i happiness just like my baby..i hope it will help you enlighten your mind sis just always. pray to god to guide you and give your wisdom let god decide what is right sis.. godbless you

Magbasa pa

Ipagpatuloy mo yan dhil blessing ang mga baby ako nga 3 anak ko sa una pero hiniwalayan ko din dhil magiging miserable lng ang buhay mo pag pinagpatuloy mo pa mkisama jan..maraming lalaki pero ang anak dugot laman mo yan.isa pa kung ikaw ang bread winner sa inyo edi obligahin mo sila na mghanap buhay di nmn siguro PWD ang family mo.. marami nga jan na may mga kapansanan pero nkakapaghanap buhay eh.. isa pa wag na wag mo iisipin ang sasabihin ng iba o ng pamilya mo sayo dhil kya lng nmn cla ngagalit dhil ikaw nga ang bread winner pero isipin mo ang anak mo balang araw maiintindihan din nila yan importante wag kang gagwa ng di dapat!!!god bless sis pakatatag

Magbasa pa

Ang masasabi ko Lang is that karma is a bitch sis. 10x babalik sayo Ang anung gagawin mo Kung sakaling iabort mo Ang Bata. Baka hnd ka na bigyan Ng chance ulit. No matter how difficult your situation is, Ang baby is a blessing. Walang kasalanan Yan. Mas marami pang ibang Tao na mas malala Ang situation kesa sayo pero naglakad loob sila na ipagpatuloy Ang pagbubuntis nila. I won't judge you if you really decide na magpalaglag. Just be ready for the consequences. I admire single moms and teenage mom's na unselfishly nilang binubuhay and inaalagaan Ang mga anak nila despite their difficult situation. Pray sis. Pray hard and sincerely.

Magbasa pa
VIP Member

Momsh, sorry pero walang kinalaman ang bata sa kasalanan ng kanyang ama. Much better na ituloy mo yung pregnancy mo. Blessing kay lord yan. Dahil di lahat ng babae nabubuntis or nagkakaroon ng anak, yaan mo na karma ang gumanti sa kanila, atleast malinis pa kalooban mo. Malay mo in a future yang anak mong yan pa ang makagulong sayo. Ok lang yun na baby mo nalang kahit di na sya. Sa ugali nyang un napaka initin ng ulo. At lagi nag aalsabalutan, nambabae pa. Let go mo sya pero anak mo wag. Napaka laking kasalanan nyan sa mata ng ibang tao at sa mata ng dyos. Uso naman na ngaun yan. Kaya kayanin mo lahat ng hamon sa buhay. Sana makatulong. πŸ₯°

Magbasa pa

Sis, ano man problema dumating sayo wag mo dadamay ang bata wala kinalaman yan at sana maisip mo bago mo gawin yan mero ibang babae na sobra ang hirap at pangarap mag kaanak at sayo nasasabi mo yan dahil lang sa problema mo pwede mo iwan bf mo mas marp my kasama anak na umalis kesa ikaw ang mag isa. Pag isipan mo mabuti at wag ka sana masisi sa gagawin mo sa huli. Iiyak mo lang yan problema mo my trabaho ka at makayanan mo mabuhay ng wla bf mo at bonus pa ang anak mo sis kaya wag mo sayangin mamuhay ka na wala bf mo mas masarap ganun kesa araw2x mo iniisip na ginawa mo sa baby mo. Magpray ka lang sis mkaraos ka nyan. Pag subok yan na maayos din sis.

Magbasa pa

Everything happens for a reason I have the same case with you momsh but i've tried to move on. Just pray as of now i have my own family na with responsible husband na tanggap ang anak ko na girl which is 13 years old na and grade 8 na ☺️ mayroon narin kaming 2 anak girl (6 years old) and boy (2 months) ur man is not worth it. Lalo na kung hindi ka tanggap ng pamilya niya masakit lalo pang nadadagdagan ang pagkasenti mo kasi nga buntis ka pa. Pero kaya mo yan ipakita mo sa tatay niya na kaya mong buhayin ang bata ng ikaw lang. Ngayon mo kelngan ang pamilya mo momsh. Sila lang ang makakatulong sayo as of now sabhin mo sa kanila ang pinagdaraanan mo 😊

Magbasa pa