UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Reading stories here nakakaiyak. mag 1 year old na baby ko next month na minsan ko din pinag isipng ipalaglag dahil sa sobrang gulo ng situation at iniwan din kami ng tatay. Pero mniwala ka sis God is so good, He has the reason bakit ka niya binigyan ng baby. Ituloi mo yan pag labas ng baby you will felt regrets bakit mo naisip na ipalaglag ang baby. So cute and adorable ng baby ko, nakalimutan ko n nga na masakit pibagdaanan ko habang nasa tummy ko siya. Embrace Motherhood nasa tamang edad kana and all the obligations will just come to pass. lilipas din yan, giginhawa at magiging masaya kadin. your baby will be the source of your strength and joy. God bless you.

Magbasa pa

Hindi kailanman dapat maging choice ang abortion no matter what the situation is. Once na nalaman mong buntis ka, anjan na agad yung mother's instinct na "this is my baby, galing ito laman ko, and I'm going to protect him/her no matter what". Yung tiwala sa partner di na siguro maibabalik yan pero yung anak mo, regalo sa iyo yan. May mga kakilala akong ilang taon nang sumusubok, abot million na gastos nung isa para lang magpa invitro sa Taiwan pero nagfail, ngayon tatry ulit nila. Ang problema, kung paabort mo din yan, baka hindi ka na magkakaroon ng chance na mabuntis ulit. At yang anak mo, basta mahubog mo ng husto, yan ang magiging lakas mo at kasangga mo sa buhay.

Magbasa pa

Dumaan din ako sa sitwasyon na yan. Hindi yung niloko ako pero yung point na gusto ko ding ipalaglag ang baby ko. Actually halos lahat ng baby ko pumasok sa isip ko na ipalaglag sila kasi i feel na burden kaming dalawa sa hubby ko. Pinagsunod sunod kasi ni Lord ang pagsubok samin non. Pati trabaho ko naapektuhan pero hindi bumitaw ang hubby ko sakin. Samin. Kahit na alam namin na hindi namin kakayanin pareho hindi nya naisip na ipalaglag o sinang ayunan man yung gusto ko. Lagi mong iisipin na blessing ang magkababy. At totoo yun. Simula ng lumabas panganay namin kahit hirap kami nakakaraos kami. Tulungan lang talaga. Partners. At kailangan buo ang love nyo sa isa't isa.

Magbasa pa

Sis! Keep your baby. Kahit gaano kahirap ang sitwasyon, malalampasan mo din yan. For all you know, it could be the best thing to ever happen to you.. Madami ang hindi nabibigyan ng baby. Kaya find the good in your situation. Balang araw, si baby mo ang magiging kakampi mo. Pag pinagpatuloy mo plano mo, baka habang buhay mo pagsisihan. Offer mo na lahat kay God. Sya na bahalang mag ayos ng sitwasyon mo at ni baby. Ive seen your situation sa kaibigan ko, pero looking at her now, she is so happy nkayanan nya din lahat. Im praying for you sis! Im 10 weeks pregnant and also not in a good situation kaya gusto ko malaman mo na hindi ka nag iisa.. Kaya natin to okay?

Magbasa pa

Kaya mo yan sis, naiiyak ako sa sitwasyon mo kasi maraming kababaihan ganyan ang dinanas st dinadanas katulad ng sayo, payo ko wag mong ipalaglag kasi habang buhay mo syang panghihinayangan na sana tinuloy mo, na sana nagpakatapang ka para sakanya, ikaw lang makakapagprotekta sakanya. Tsaka yung sasabihin ng ibang tao mga isang buwan ka lang pag uusapan ng mga yun, wala naman silang ibang magawa kundi silipin ang buhay ng ibang tao diba? Kaya hayaan mo lang sila. Sa family mo naman mattanggap din nila yan, pag malaki na baby mo at nakakagigil na naku, di nila matitiis yan. Iba man naging situation natin pero ganyan din pinagdaanan ko. Kaya mo yan, pray ka lagi.

Magbasa pa
VIP Member

I dont like to judge you pero kung ipapa abort mo sya i can judge you. Mamamatay Tao ka po. Wala kang pinagkaiba sa mga taong walang awa na pumapatay ng kapwa tao. Sarili momg anak papatayin mo para lang makalaya ka sa problema? Ano yun? Ipagpatuloy mo, at kung pamilya mo sila maiintindihan nika pinagdadaanan mo,they need to support you from ups and downs.and besides you mentioned that you are capable since you have work nmn at jusko nmn right age kna. Buhayin mo anak mo at iwan mo yung lalaki.wala syang kwenta. Walang masama sa pagiging single mom. Dadating ang time dadating din yung guy na tatannggap syo ng buo including your child.. uulitin ko, i can judge you after.

Magbasa pa
6y ago

Dont forget to ask God what to do. Wag kang pakasarili. Baka pag dumating ang time na ready kna magkapamilya di kna biyayaan ng anak.

Wag mo idamay si baby sis, wala yang alam at wala sya kasalanan, let him go yung bf hindi sya deserving para sayo, buntis ka pa lang super stressed and drained ka na sa kanya what more pa pag lumabas na baby mo, madalu sabihin iwan sya pero kailangan mo mag sacrifice para sa anak mo at kung ano makakabute sayo lalo na environment sa paligid mo sobrang toxic, as you said may work sayo pareho, remember sis marami naman dyan single moms pero masaya naman sila as long kasama mo anak mo kakayanin mo yan, talagang dumadating tayo sa time na nasa huli pagsisisi pero hindi bibigag sayo ni God yan kung wala sya purpose.. Hope it will help, God Bless you and your baby😊❤

Magbasa pa

Sis. Laban lang pareho tayong mga naging ina na hindi pa kasal, matatanggap at matatanggap ka ng pamilya mo. If not then go live on your own. Ipakita mo sa pamilya mo na kaya mong mag doble kayod para sa kanila at para sa magiging anak mo. Hindi kaman pinalad sa lalaki, pero papalarin ka sa magiging anak mo. Pabayaan mo yang pamilya ng partner mo. Sila ang manghihinayang sa apo nila pag nailabas mo na yan. 😘 Swear hahabul habulin nila yan anak mo pag nailabas mo na. Palakihin at alagaan mong mabuti baby mo kayo lang ang magkatuwang ngayon. 💕 Gawin mo syang inspirasyon para mas lalo ka pang magsumikap at mapalaki mo sya ng tama at may takot sa dios. Godbless.

Magbasa pa

Sis kung di nya kayang mgpakalalaki at mamili between you and the kabit you do it for your self. Sooner or later pipili sya di pwedeng dalawa kayong maging asawa stand up for yourself sa nkikita ko mgiging problema mo din sya pgdating ng panahon as well as yung family nyang wala sa lugar. Kaya mo yan sis tutal wla ka rin nmn suportang nakukuha sa kanila. Tungkol nmn sa pamilya mo na mukang hindi rin mkapgisip ng tama di kita tinuturuan na mghimaksik but as you said ikaw ang bumubuhay sa knila di msamang bitawan mo sila para piliin ang magiging anak mo mgipon ka na mommy paghandaan mo ang ddting na angel sa buhay mo yan ang mgbibigay ng direksyon sa buhay mo.

Magbasa pa
VIP Member

WAG PO PLS .. wag mo palaglag yan. Tsaka mamsh wala pong kabit na ttawagin kc wala naman po atang kasal na naganap. Hiwalayan mo na si kuya. Obligahin mo sya mgsustento kahit wala ng kayo. Kc may baby sya sayo. Wag ka matakot hanggat nanjan si raffy tulfo .. pakulong mo pg di ng sustento. Kaya mo yan .. wag mong isipin na di ka tutulungan ng family mo. Di mo naman cguro obligasyon na habang buhay tumulong sa kanila. Tsaka tulungan kayo anu pat may kapamilya tyo .. sa oras ng kagipitan kayo kayo lang din mgtutulungan. Yung mga gnyang hayup na lalaki di ka dapat naiistress jan. Isipin mo nlng yung makakabuti kay baby .. maiintindhan nya din yan sa tamang panahon.

Magbasa pa