UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

whatever the reason maybe, it will never be an enough reason for you to terminate ur pregnancy. God gave a life inside u, take it as a privilege as not everyone has the ability to bear a child! Wla kang karapatang pumatay ng tao. Ang daming single parent nka survive without the help of a partner. Wag kang selfish, dahil sa mundong ito hindi lng ikaw nka ranas ng ganyang sitwasyon, some are even experiencing worse than ur situation right now. Think about ur baby, that little one just might be your saving grace in the future. gusto mo ng true love? our children are the only ones who can provide us with pure unconditional love. Remember that before u start doing something stupid.

Magbasa pa

.iwan mo na bf mo naiisstress ka lng Lalo hayaan mo na sya at isipin mo kalagayan niong dalawa Nan baby sa tyan mo ... magging masaya ka pag nararamdaman mo NG gumagalaw Ang baby mo sa tyan mo ... At mas magiging masaya ka pag nakita mo na Ang baby mo ... 4sure mapapaiyak ka SA tuwa ... Ipakita mo sa bf mo at sa pamilya nya na Kaya mong buhayin Ang baby mo khit Wala CLA ... Di ka nag iisa ... May mga single mom na mas malala pa Ang nanyare kesa sayo pero mas pinili nilang buhayin Ang anak nila ... Isipin mo nlang na Hindi ikaw Ang nawalan ... Nag karon kpa ng isang kayamanan. ..pag ginawa mo yang masama mong balak ... Habang buhay mong pag sisisihan Yan ... Maniwala ka. ...

Magbasa pa

Mommy parehas na parehas tayo ng sitwasyon niloko bread winner sa pamilya, niloko. 3months na kong buntis sa ex ko mas pinili nya yung babae nya kesa samen ng baby ko 4yrs kame ng ex ko 1yr palang sila ng kakakilala nung babae kawork namen. Pero nalaman ko 7months na palang sila. Mas pinili nya yun kesa samen so kahit masakit at mahirap ako na ang lumalayo sa kanya or sakanila boto saken pamilya nya. Pero mas pinili ko yung kung saan ako magiging masaya at magiging buo kame ng anak ko. Kesa ipilit ko yung sarili namen dalawa sa taong hindi kame ang priority. Kaya mo yan sis. Kung kaya namen kaya mo yan. 2 baby ko na to sa kanya nakunan ako sa una ko sobrang hirap mawalan ng anak.

Magbasa pa
VIP Member

Sis di naman po matatama ang mali kong ipapalaglag mo yung baby nyo. Isa pa dadagdag lang yan sa mga konsensya mo, walang kasalanan ang bata ipagpatuloy mo lang yang pag bubuntis mo ang swerte mo nga kase nagkababy ka yung iba dyan ilang taon na nag aantay magkababy lang. Syaka di kana pabata patanda kana baka kong kelan mo na gusto ng baby syaka naman hindi ibigay sayo. Yung mga naiisip mo ngayon gawa lang yan ng galit sa puso at isip mo. Isipin mo nalang yung mga positibing mabibigay sayo ng baby mo yung saya na mabibigay nya sayo paglumabas na sya. Masasabi mo din sa sarili mo na buti nalang di ko tinuloy yung plano ko dati. Pray kalang sis magiging ok din ang lahat God bless

Magbasa pa
VIP Member

Ituloy mo lang, matatanggap at matatanggap yan at ikaw ng pamilya mo. Ipaliwanag mo anong ginawa sayo ng ex mo, pagkatapos hayaan mo na sya/sila nung 'kabet'. Kung kaya nya gawin sayo yun, malamang mauulit nya parin sa babae nya. And if that happens, wala ka na dun. Kundi nasa stage ka na ng buhay mo na lumalaban ka para sa sarili mo at sa baby mo. Hindi man ngayon, pero may lalake pa na dadating sa buhay mo na aalagaan at mamahalin ka ng totoo, pati ang anak mo. :) Maging positive thinker ka lang kahit mahirap, kesa naman mag stay ka sa tao at sa buhay na paulit ulit ka sasaktan at paiiyakin. God bless you, ate! Wala kang pagsisisihan kung pipiliin mo ang sarili mo ngayon 😚

Magbasa pa

Alam ko sobrang naguguluhan ka sa sitwasyon mo ngayon sis. Bilang babae, masakit talaga na malaman na sabay kayo nagbubuntis ng babae ng bf mo. Mahirap kung iisipin mo kung paano mo papalakihin ang bata na mag isa. Pero hindi mo dapat idamay ang bata, may buhay yan at kaloob yan ni Lord sayo. Payo ko sayo sis ituloy mo ang pagbubuntis mo. Napakalaking blessing nyan. Hindi lahat napagkakalooban ng baby. Paglabas ng baby mo lahat ng lungkot mo mawawala. Maniwala ka sa akin. Kapit lang sis. Tibayan mo loob mo at magdasal ka lang. The Lord will always be there to provide whatever needs we need. Trust His own will di ka pababayaan ni Lord. Smile na at bawal.mastress. 😊

Magbasa pa
VIP Member

Magpray ka mommy! Alam mo hindi naman tayo bibigyan ni Lord ng problema na hindi natin kayang solusyunan without His help and mercy, too. Mapapalaki mo yan kahit maging single mom ka. Tatagan mo loob mo, kung may kapatid ka na pwede mo masabihan ng problems mo at matulungan ka, please let them. I hope and pray na hindi mo ipaabort si baby. Kaya mo yan, sis, laban lang. Hindi ka nag iisa, always remember that. Please, wag mo ipaabort si baby. Marami sa atin ang akala natin hindi natin kaya, pero isang araw magugulat na lang tayo na, “wow nalagpasan ko pala yun”, “kaya ko naman pala” at wala nang mas sasaya pa sa ganung pakiramdam. I’ll pray for you and the baby sis.

Magbasa pa

kawawa naman si baby kung gagawin mo yun 😞 tuloy mo nalang sis wag mo nalang isipin ang sasabihin ng ibang tao hayaan mo nalang din yung bf mo alam kong mahirap makipag hiwalay sa taong mahal na mahal mo pero mas mahirap makisama sa taong ikaw lang ang nagmamahal. kaya mo yan para sa baby hingian mo nalang ng sustento yung bf mo di naman pwedeng hindi siya magsustento dyan eh kung ayaw niya makasuhan. nung una gusto ko din ipalaglag baby ko kasi bata pa ko at parang kahihiyan sa buong pamilya ko pero nung nalaman nila sila pa yung sobrang care saken tanggapin mo kung may sasabihin silang masakit pero ending sila parin kakapitan mo 👍👍 fight lang makakaya mo yan.

Magbasa pa

Ate, ‘wag mo nalang po sana idamay yung baby mo, ipaalam mo sa family mo asap ate about sa sitwasyon mo, kung galit man sila lilipas rin yan. Alam ko po na iistress ka masyado kaya kung ano-ano naiisip mo dahil lang sa niloko ka ng ka lip mo at nabuntis niya yung kabit niya. Pag-isipan mo po mabuti yung gagawin mo, ate. Magdesisyon ka ate pagnahimasmasan kana, wag ka po padalos dalos. Mahirap yun, baka sa huli pagsisihan mo yung ginawa mo isang malaking konsensya ang susunod sa iyo palagi. Pero ikaw po bahala kung ano gagawin mo, choice mo po ‘yon pero sana in the end suportahan ka ng family mo kasi sila yung kailangan mo ngayon. Magdasal ka po para gabayan ka ng Diyos.

Magbasa pa

Keep the baby sis. Pag lumabas yan baka masabi mo sarili mo na ayan na ang pinakatamang desisyon na ginawa mo sa buong buhay mo. Sya ang magiging happiness at buhay mo at in no time makakalimutan mo din yung lalaking yun. Pakita mo sa kanya na kaya mo kahit wala sya. Hindi kasalanan ng bata na nabuo sya kaya keep her, gaya nga ng sabi mo, may maayos na trabaho ka naman. Kayang kaya mo yan. Yung sa family mo naman, sa una lang yan magagalit. I've been there sis trust me. Pag labas nyan mag aagawan na yan sila sa pag aalaga. Ngayon lang yang hirap at lungkot na mararamdaman mo, pag labas naman nyan magiging worth it lahat ng pagtitiis mo. Goodluck sis kayang kaya mo yan! 😊

Magbasa pa