UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Maawa ka sana sa baby mo mommy, yang anak mo ang magbibigay sayo ng pagasa at magiging source ng kaligayahan mo sa future trust me. Hiwalayan mo yung asawa mo kung di mo sya mapapatawad dahil mas mahihirapan lang kayo ni baby kung may galit ka sa puso mo. Kailangan ka ng anak mo, wag mo sana bahiran ng dugo ang mga kamay mo. Hindi kailanman majujustify ng abortion ang lahat ng mga pinagdadaanan mo, tumingin ka lang sa mundo natin at magmasid sa paligid, makikita mong mas maraming ina ang may sobrang pinagdadaanan kesa sayo. Higit sa lahat, ang pinakamabisang sagot jan sa mga hinaing mo ay nasa mga tuhod mo, iluhod mo lang po at ipikit ang mga mata mo.. Sya lang ang pagasa nating lahat.

Magbasa pa

About sa Boyfriend mo, hiwalayan mo na sis. di yan Healthy lalo na at ganyan ginagawa sayo. pano na pag tumagal pa na nag sama kayo diba? About naman sa Baby mo, wag mo ipabort sis. sya ang mag tatanggol sayo pag laki nya. Natural lang naman na magalit yung family pero, once na nalaman nila yung pangyayari, baka di na sila magalit sayo. saka, kadugo nila yan. di nila tatalikuran yan once na lumabas na yang bata. kaya, pakatatag ka lang sis. malalampasan mo din yan. Wag mong isisi sa bata yung ginawa ng Tatay nya.. oo nakakatatak na yun sa puso at isip mo pero, isipin mo yung bata sa tyan mo.. pang habang buhay mo pag sisihan pag ginawa mo yun.. kaya, mag pakatatag ka lang at mag pray..

Magbasa pa

Para sa akin sis dapat na ituloy mo yan kc una sa lahat kasalanan ang magpalalag dahil papatay k ng walang kamuwang muwang na bata.hindi nman nya kasalanan n mabuo xa na kagustuhan nyong dalawa ng bf mo at kung nahihiya ka sa pamilya mo unang kang mahiya sa Panginoon dahil ang magkaroon ng anak ay isang biyaya na nagmula sa kanya..kahit p nagloko ang bf mo di kasalanan ng bata yan ky a wag nyo xang idamay mging resonsable kaung mga magulng sa kanya kahit magbreak n kau...wag mong intindihin ang sinasabi ng iba kesa naman habang buhay kang uusigin ng iyong kunsensya...Godbless sa inyo ng magiging baby mo...lagi kng magpray na makayanan mo ang mga pagsubok na dumarating sau..πŸ™πŸ™πŸ™

Magbasa pa

..tuloy mo po yan kawawa ang baby...wla nman po syang kasalanan.. ung pagmamahal mo s bf mo sa kanya mo n lng ibigay.. Iwan mo n din po ung bf mo.. khit ano p po ang sabihin ng pamilya mo matatanggap nila ung nagawa mo.. marami n po mga single mom ngaun.. ako po may anak din ako s una kc cnasaktan ako ng lalaki kaya iniwan ko para s anak ko at hindi ko n inisip kung lalaki sya ng walang ama kesa lalaki sya ng wlang kinabukasan s papa nya...ganyan din po s akin noon parents ko kc ako ang panganay pro natanggap po nila kmi na anak ko..lagi mo po isipin n mas marami pang tao ang mas mabibigat ang pinagdadaanan kesa sau kaya po wag mo n po idamay c baby. Baka sya din ang magiging swerte mo

Magbasa pa

.sis..blessing Yan from God..if niloko kman ng bf mo..playain mo Ang sarili mo .at wag Kang mlungkot KC nalulungkot din Ang baby mo..wag mo syang IPA abort KC Malay mo someday ..,sya Ang ..mging dahilan Ng tagumpay mo sa buhay ..sis...,bgyan mo lng ngbpanahon Ang sarili mo para makapg isip at ...palayain Ang sarili sa..amsasakit at malungkot n nangyari sayo sis..Kaya mo Yan keep fighting Kung Yung iba NGA knakaya ikaw pba ..lhat Ng nanay ..dumadaan s mga ..problemang ganuna sis..pero...manalig Kalng..kakayanin mo Yan ..isipin mo c baby mo...makakaya mo Yan... I swear...,😊alagaan mo sarili mo Lalo n dndala mo hayaan mo n .Ang bf mong...,manloloko...makakarma din CLA...balang araw...,

Magbasa pa

Hindi kelangan madamay ng bata dahil sa kasalan ng bf mo mommy. Be strong enough to let him go but keep the baby. Hindi reason na magiging constant reminder mo si baby ng lalaking nanloko sayo. Isipin mo na lang na hindi lahat ng nanay nagkakaron ng chance magka anak. You are lucky enough na ma-bless-an ng baby and I am sure na excited na rin ang anak mong makita ka. May trabaho ka naman at nasa tamang edad ka na, I know you can provide for your child. At kung ayaw mo na talaga ng koneksyon sa tatay nya, wag ka na lang humingi ng sustento kung kaya mo naman buhayin si baby. Hindi sagot ang iabort mo sya ng dahil lang sa kamalian ng iba. Ang dapat mong iabort sa buhay mo ay yang BF mo.

Magbasa pa

Same situation almost 5 years ago ang case ko nmana kaka 1 yr. Lng ng anak nmn nung nalaman kong sumiping sya s iba at pinapili ko sya though d xa sumagot ramdam ko dehado na aq,kaya aq nlng lumayo at baby ko ,kesa pabayaan ko ang anak ko at sumuko binuhay ko sya bumangon ulit aq then bnlita ng kpit bahay nmn noon skto nung umalis aq wla pang 1 week nagsma n cla nung girl at buntis na,msakit nakakadurog oo pero heto aq masaya buntis na sa long time bf ko na iniwan ko noon para sa kanya , tama minsan na din aqng nakasakit dahil pinili ko sya noon pro d kmi tumagal ng 2 taon .lumaban ka ipakita mong kaya mo hindi para sa knya kundi para sa anak mong pinili kang maging isang ina godbless

Magbasa pa

Naiintindihan ko kung ano nararamdaman mo kasi pinagdaanan ko ang ganyan. Nahihirapan ka sa sitwasyon niyo ni LIP? Leave. Ayaw mo magdala ng kahihiyan sa pamilya? Walang taong malinis. Totoong kapag ipinalaglag mo ang bata, malinis ka sa paningin ng iba pero hindi mo na mababago ang paningin mo sa sarili mo. Hindi mo kakayanin sumuporta ng bata? Manganak ka, dalhin mo si baby sa DSWD (Reception and Study Center for Children) kung buo na ang desisyon mo. I aassist ka nila. Whatever you do, wag mo ipapalaglag ang bata. Sa family mo, lunukin mo lang kung ano sasabihin nila. Ssbi mo ikaw ang bread winner so wala din naman sila choice. Hugs to you and your baby. Praying for you

Magbasa pa

God, bless you in ways you do not expected mam. Hindi po solusyon na ilaglag ang baby dahil sa sitwasyon niyo ng bf mo. Sa buhay natin, palaging may matitinding pagsubok na ibinibigay si God and swerte ka po dahil bliness ikaw ng baby ni God. You are in total darkness sa tingin mo pero in Gods message, you are more than blessed. Alam niya po na kaya mo ang pagsubok mo ngayon. Marami ang hindi nabibiyaan ng anak mam kaya wag na wag mo po ilalaglag ang baby mo. I pray for your peace of mind and healthy pregnancy. You are the only hope of your baby, mas kailangan niya ng pagmamahal mo sa mga oras toπŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™ A child is our greatest treasure from God πŸ™remember madam πŸ™

Magbasa pa
VIP Member

Ako po nung nabuntis ako ng bf ko at nung una gusto niya na ipalaglag yung bata dahil di pa daw siya handa, pero nanindigan ako na ayaw bubuhayin ko yung bata, hanggang sa nagbago isip niya, dumating ang 3 months nalaman ng magulang ng bf ko ayaw din nila sakin dahil Unger graduate ako. Kung ano yung mga masasakit na salita yung pinagsasabi sakin ng mama niya, baka daw mamaya di daw yun sa anak niya, that time sobrang stress ko wala akong ginawa kundi umiyak. Pero kaya mo yan maging matatag ka para sa baby mo siya yung kapitan mo. At yung magulang mo panigurado maiintindihan ka nila, lalo na pag nakita na nila yung apo nila. Be strong. Ipakita mo sa bf mo na kaya mo at kakayanin mo.

Magbasa pa