UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Masakit tlga ang ginawa ng bf mo sayo. Pero ginusto mo ang may mangyare sa inyo. Kaya panindigan mo yan. Kasalanan na yung ginawa nyo wag mong dagdagan ng isa ang kasalanan. Maawain ang Diyos at mahal niya tayo huwag mong ifocus ang kaligayahan mo sa bf mo. Magfocus ka kay God at sa baby mo meron nang umaasa sayo. Be matured na po. Someday pagsisisihan mo ang gagawin mo. Iiyak mo lahat kay Lord at mag seek ka ng help from your family and close friends. Hayaan mo na bf mo ginagawa ka lang niyang martir. Marame pang magkakagusto sayo kahit na may baby kna. Mahalin mo baby atleast yang anak mo di lolokohin. Embrace your journey to being a mom. Congratulations momshie. God bless you ang your baby.

Magbasa pa

Blessing yan sis. Kung alam mo lang napakafaming gustong magkababy pero ikaw binabalak mong ipalaglag? Mag isip ka muna sa mga bagay na gusto mong gawin. Isipin mo na kaya nangyari yan kasi yang sanggol sa sinapupunan mo ang tutulong at mag aalaga sayo balang araw. Madami namang single mother jan pero kinaya nila, at ngayon yung baby nila ang nagpapasaya sa kanila. Kung pede nga lang ilipat ang pagiging buntis sasaluhin ko na yan kasi gusto ko na magkababy. At para wala na ding nagpapalaglag. Mag isip ka! Kung ayaw nila sa baby mo ilayo mo. Ikaw ang magtanggol sa kanya, dahil ikaw ang magiging INA nya. Iwan mo na yang BF mo, sa ugali palang di na responsable. Think first bago gumawa ng aksyon.

Magbasa pa

Sis wag naman. Yung mga ginagawa nga syo ng bf mo nakakaya mo yan pa kayang sarili mong dugot laman? Dont be afraid sis at tatagan mo loob mo gaya ng katatagan mo na mag stay sa bf mo sa kabila ng mga gnagawa nya syo nagistay kapa din kaya dapat ipaglaban mo din yang magiging anak mo wag kang papatalo sa mga ahas sis kayang kaya mo yan kahit na may responsibilidad kapa sa family mo pag nakita na nila apo mo mawawala din galit nila syo sis dika din matitiis ng magulang mo sis stay strong wag si baby si snake nalang sama mo na si bf!πŸ˜… please wag kang magdisisyon ng mali sis mas mahirap magsisi sa huli wala akong expirience na ganyan sis concern lang ako sayo at sa baby mo kawawa naman..πŸ˜”

Magbasa pa

Huwag niyo po iabort yung baby. Hindi nya kasalanan ang kasalanan ng tatay nya. Lumayo na po kayo sa lalaki kesa mastress kayo. Hingan nyo na lang ng financial support para sa bata. yung lalaki nga po binigyan nyo ng chance at nagtiis kayo eh, sana bigyan nyo rin chance yung baby na wala namang kasalanan. It's God's greatest blessing. Ituloy nyo po, for sure maeenjoy nyo ang pregnancy journey and I know that baby will give you so much happiness pag labas niya. Hwag nyo pong iisipin yung sasabihin ng iba lalo na ng pamilya nyo. kahit masakit, sagarin nyo na po yung pagtitiis. matatanggap din po nila yan kasi at the end of it all, pamilya pa rin kayo. Godbless you ate. Keep the faith! πŸ™πŸ’ž

Magbasa pa

pag pina-abort mo ba yung baby mo magiging okay na ba ang lahat? babalik ba sa dati yang buhay mo? makakalimutan mo ba yang bf mo? mawawala ba ang problema mo? Well kung ng sagot ay hindi, PLEASE Don't do it. Wag mong patayin yung bata dahil sa lalaki syang walang ama, dahil hindi kayo okay ng bf mo, dahil mas gusto nila yung kabit ng bf mo, dahil feeling mo you're miserable of your life, hindi ka MURDERER girl! Blessing yan nasa sinapupunan mo. Always pray to him, dahil hindi ka nya papabayaan, binigay nya sayo yan kasi my rason sya. Tiwala ka lang sa mga plano nya, magiging okay din ang lahat mamsh, There's a rainbow always after the storm, and that rainbow is your baby ❀ GOD BLESS πŸ˜‡

Magbasa pa

Every woman have a choice on their life to make. Hard decision. Hindi naman tama na dahil madaming magcomment na ekeep eh un na gagawin mo. Its ur life decision. For you and for your baby if you think hindi pa to ang mundo para sa kanya edi hindi. Dont force urself. For you and for your family. But take the lesson. Its hard for you to keep going kung masisira naman ang buhay mo at magpapakamatay just make a big sacrifies and make ur life a better one para sa next baby mo. Domestic abuse is a tough crime. Sasabihin nila na walang kasalanan ang bata pero wala ren syang kasalanan para sa nasa tyan mo palang isinusumpa na sya ng lahat. Again its not our choice its urs. Choose the life u can live in.

Magbasa pa
7y ago

Choose the path na makakatulog ka ng maayos. ❀ dumating ang baby ko sa parehong sitwasyon. But it chaged my life. Ung family ko na galit noong una eventually naging lakas din nila ang anak ko. I even got to experience ung love na hindi ko mahanap kahit saan . So now im contented sa aming dalawa. Pero may mga instances naman para sa iba na nagpa abort that they make that experience their strength. Like my friend said, hindi nya nakuhang ipagpatuloy dahil sa maraming bagay kaya sa bawat hamok nya sa buhay tinatapangan na nya hindi para sa iba kundi para sa baby na nagsakripisyo sa buhay nya.depende sa tao yan. kaya no matter what ur decision is, it will change ur life completely. ❀ know that life will still go on for you dear.

same here, nung hindi PA sure na buntis ako uminom ako ng Alak para duguin at magkaregla, Pero nung hindi PA din ako dinadatnan nagPT na ako. nung nagPT na ako positive, sinabi ko agad sa Kapatid ko at mama ko. natanggap nman nila agad, kasi matanda na ako, 29 years old yun nga lang wala akong Pangarap sa Buhay, tambay Lang ako Pero never ko naisip na ilaglag yung baby ko. nung una, Iniisip ko kung karma ba ito blessing Pero habang tumatagal naiisip ko na, na blessing ito at nakapagbago Buhay ko. 3 months pregnant, future single mom. Hindi ko na kc MA contact yung tatay niya. Pero ok lang, maghihintay kami ni baby sa pagbabalik ni tatay, kahit para Kay baby nalang. bumalik ka jhon

Magbasa pa

Keep the baby mamsh... diba nga sabi nila wag ka mag decide pag extreme ang emotions mo.. pag sobrang saya ganon dn pag sobrang lungkot or galit. matatanggap ka ng family mo pati yung baby mo no matter what. Always keep in mind na nasa huli ang pag sisisi. Also, just in case naman mag split kayo ni lip, pwede naman kayo mag usap regarding sa sustento. If ayaw nya... demanda mo πŸ˜… madami pa options dyan na pwede makatulong sayo at kay baby... like mag apply ka ng solo parent churva. May mga benefits din yun db. Kaya mo yan mamsh.. wag ka mag pa abort. Kasalanan sa Diyos yan at kasalanan sa bata.. and baka mamaya ikaw pa idemamda ni lip mo pag nalaman nya ginawa mo at makulong ka pa...

Magbasa pa

Yung pinaka magandang magagawa mo ngayon alisin mo sa isipan mo ang pagpapalaglag. Walang kasalanan ang bata kung tatay man niya e sobrang makasalanan. Kung ang ama ay di magiging magandang halimbawa ikaw OO pwede mong gabayan ang anak mo ipaliwanag sa kanya pagdating ng araw lahat ng nangyare . Saka para sakin napaSwerte mo nabintis ka na parang di naman maselan marami kaming umaasa na sa bawat pagbubuntis namin ay maging safe ang baby namin at di mauwi sa kunan . So please treasure your little one . Ay ikaw swerte sana yun ang side na tignan mo para sa baby mo. Maraming single mother yung nga marami pang anak pero kinaya what more pa ikaw. Tibayan mo lang ang loob mo . Para sa anak mo .

Magbasa pa

Sa lahat ng binanggit mong problema mo sis. Yan lang yung nag iisang blessing mo. Mawala man silang lahat. Sa huli yan lang makakasama mo at magpapasaya sayo. Yang baby mo na iniisip mong mawala. Buksan mo isip at puso mo sis. Malalaman mo rin yung sinasabi namin. Naranasan ko rin yan. Nag dalawang isip narin ako not with the same reason katulad ng sayo. Pero mali. Kahit anong rason pa. Mali na patayin ang buhay na nasa loob mo. Anak mo yan. Sariling dugo at laman. Maging masaya at proud ka para sa kanya. Lumaban ka para sa kanya. Pagdating ng panahon. Yung anak mo naman na yan ang lalaban para sayo. Godbless you sis and Congratulations!!! πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜πŸ˜πŸ˜πŸ’•πŸ’•πŸ˜˜πŸ˜˜πŸ˜˜

Magbasa pa