pagsusuka
Hi mommies! Sino po dito may experience ng malalang pagsusuka dahil sa pregnancy? Share your stories. Ano po ginawa nyo para mabawasan pagsusuka? Sa anong pagkain ka nasusuka? ? Posted: 04/21/20


Na experience ko yan around 6 weeks kami ni baby na halos muntikan na akong itakbo sa ospital dahil sa dehydration, ultimo tubig hindi nya tinatangap madals din ako makaramdam ng hilo nun.. kahit nilulutong ulam na naaamoy ko nagiging sanhi para magsuka ako
Ako talaga hate na hate ko yung cornbeef at sardinas. At sa tubig kelangan mineral. Pero minsan may sadyang kain ako ng madami in the end suka HAHAHA ngayung 30 weeks ako may sometimes pako na pagsusuka. Ginagawa ko kumakain ako sweets pangtanggal lasa lang.
sa panganay ko konting my maamoy ako kahit mabango ngssuka ako tapos kpag kumain kasunod suka agad... halos buong araw pagsusuka ko ... nawla lng tlaga nung 2nd trimester mag 5months .. ngayon second pregnancy ko 5months n kami ni baby wla ako pagsusuka ...
Yung 1st baby ko po sa juice na inumin yun orange juice sa second baby super hirap lahat sinusuka kahit tubig nalang isusuka ko kaya namayat ako kc wla ako makain lahat isusuka sa 3rd baby ko maarte naman madami ako ayaw kainin mapili ako sa pagkain
Ganyan din po ako 1st&2nd trimester sumusuka to the point na naadmit na ako sa hospital, skyflakes or oatmeal, guava w/salt(white part) lng kinakain ko.. pinipilit ko lng uminom ng tubig.. ang lasa kc ng tubig maasim.. may heatburn pa po kc ako non.
Chicken joy ng jollibee sukang suka ako saka ginisang bawang at pancit canton namayat ako kinakain ko lang nun lansones,at green apple nung 4 mos medyo nakakain na ako ng normal except lang dun sa mga hate ko na fud pagkapanganak ko pa sila nakain..
Almost 4 mos akong naghyperemesis nung buntis pa ako. Umiiyak na ako kasi kahit tubig sinusuka ko. Kahit saan ako pupunta may bitbit akong plastic just in case di ako umabot sa CR para sumuka. May nirefer yung gamot OB ko nun kaso sinusuka ko rin
Sakin hindi naman ako maselan mag ihi at sa pang amoy, Pero ngayon 16weeks na ako hnd naman araw araw sumusuka ako, Pag tapos ko kumain ng gabi minsan sinusuka ko lahat ng kinain ko sakit na nga ng lalamunan ko ksi as in nilalabas ko☹️
Same here. Sa pansit. Napakaen ako ng pansit canton kanina tumikim ako kase feeling ko gusto ko sya matikmaman. After 5mins halos bumaliktad sikmura ko. Tapos mawawalan na ako gana kumaen Ngayon Naiisip ko palang nasusuka n agad ako.
Since 5 weeks until 16 weeks lagi akong nagsusuka to the point na inaadvice na ng Ob ko na magpaadmit. Na kahit anong kainin ko susuka ko lang. But right after 16 weeks, wala na sya. Try eating ice bits para magstop yung pagdrool.




a mom of my baby bear Ethan❤️