Diclegis - lahat ng kainin at inumin is sinusuka

Hello, Mommies! I have severe morning sickness pero hindi pa naman ata hyperemesis. Niresetahan ako ng Diclegis. Sino po nakaexperience ng ganito? Kamusta na pregnancy niyo now? I’m 13w pregnant na

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Gan’yan din ako no’n FTM, 2x ako dinala sa ospital para i swero kase wala na talagang gustong tanggapin yung tyan ko, lahat isinusuka ko to the point na kahit yellow nalang yung sinusuka ko ayaw pa rin talaga tumigil. But hopefully, nakaraos naman na sa morning sickness mag 21 weeks na ako now. Patatagan nalang kung ayaw mong matusok ng limang beses HAHAHAHA

Magbasa pa

diclegis miee effective talaga yan kaso delayed relief tablet sya after 3 hrs pa mag take effective . ang ginagawa ko kung badly needed na talaga dinudurog ko pra mabilis umifect sakin. til now nagsusuka parin pero hinda na kasin lala nung 8 weeks ko . 6 months na ako ngano . 8 weeks ako 4 pcs mauubos ko ngayon isa diclegis na lg praise God .

Magbasa pa

1st trimester ko hanggang sa first half ng 2nd ganyan ako kaselan. kahit anong food or drinks ayaw, wala ako gana... kahit may gusto ako kainin, pero pag nandyan na kahit isang subo nasusuka na ko agad. nawala lang siya nung pa 3rd trimester na ko. 31 weeks na ko ngayon, ngayon lang nakabawi sa pagkain at inumin.

Magbasa pa
4mo ago

opo tas ang liit ng tyan ko nakakapagpants pa ako nun gang manganak

same tayo mi, diclegis din nireseta sakin dahil halos wala nakong nakakain kakasuka ko. may limit lang pag inom niya laging 2tabs per 2 nights lang advice sakin. nakakatulong siya pero pag nagstop kana non ganon na ulit. until 4mons preggy lagi akong panay suka. tiis lang

TapFluencer

hi! may stocks po ko diclegis. baka gusto nyo? mura ko na lang po isell. si hubby kasi laging maagap sa meds and vits ko kaya ayun kahit di ko na need nakabili pa rin sya. ang pricey pa naman nito.

Ganyan na ganyan nararanasan ko ngayon grabe ang hirap lahat ng kainin ko sinusuka ko pati tubig ayaw tanggapin ng tyan ko, dko na alam gagawin ko 10 weeks and 5 days palang akong preggy.🥺

4mo ago

Same, Momshie! Start ko 6 weeks until now. Jusko hirap na hirap ako. Nakahelp naman sakin ang Diclegis at Plasil reseta ni OB kasi lumalala na din migraine ko

ganyan din po ako halos lahat ng kakainin tas ang selan sa pagkain parang ayaw nya lahat maliban sa mangga 🥺 pangilan na anak ko ganyan pa din po ako ang selan.

Same po tayo ng gamot na binigay ni OB. Pero 1 day effective lang siya sakin. 1 week ko lang sinubukan pero hindi na ako bumili ulit kasi mahal din 😂

4mo ago

Yes mommy. Hahaha tiniis ko na lang talaga. Naging okay na ako this 2nd trim 😊

Meron rin po akong morning sickness halos lahat sinusuka pati tubig.. 15weeks na pero hindi parin nawala ang morning sickness since 5weeks ako