Turning 2 months October baby♥️

Hello mga mommies. Any tips para dumede na sa bottle si baby, nahihirapan kasi kami padedehin sya sa bote kasi umiiyak at ayaw nya. Marami na rin akong baby bottle na nabili like pang new born talaga, then yung formula na binili ko S26 Gold. Nagtry na rin ako mag pump para Sana gatas ko mismo yung iinumin kaso ayaw pa din.Malapit na rin kasi matapos yung maternity leave ko kaya sobrang pressure kasi hindi pa sya marunong☹️. Anyone na may same case samin. Ano po ginawa nyo? Thank you in advance sa mga sasagot♥️

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa 2 babies ko, hindi ako nahirapan sa transition from breastfeed to bottlefeed at 2 months in preparation sa pagbalik ko sa work after the mat leave. same na s26 gold sila. sa 1st born ko, tinanggap nia ang standard nipple. sa 2nd born ko, ayaw ng standard nipple. gusto ay wide neck nipple.

Magbasa pa