Stain/Spot sa ipin ni baby
Hello mga mommies! Tanong ko lang po kung kailan (ilang buwan/taon) si baby nyo nyo po napansin na may stain sa ipin nya? Yung baby ko turning one year old na this month and napansin ko may spot na kulay brownish yung itaas na central incisor nya at kahit kinuskos ko na ng toothbrush at gauze hindi naman po naalis. Maliit sya sa unang tingin pero worried na ako kasi pakiramdam ko mag dederecho na masira ipin nya. May ilan akong nabasa na kahit daw 2-3x a day tinutoothbrushan babies nila hindi daw maiwasan? Nagulat ako kasi bigla nalang ganyan ipin nya nung nakaraan wala pa naman yan 😢 Please advise po. May same case po ba sa baby ko? Maraming salamat po 😌


