HIWALAY o MAG USAP PA

Hi mga miiii, pahingi naman ng advise. Nag away kasi kami ng husband ko tapos kung anoano na sinabi niya sakin na hindi maganda, like wala akong silbi, masama daw ugali ko wala daw akong patutunguhan, mag pa consult nadaw ako sa doctor, gusto ko daw makamit yung postpartum eme eme tapos tinatawag niya nadin akong bobo and tanga. Nag sabi lang naman ako sakanya mga mii, na "what if baliktad naman kami, ako nag wowork tapos siya naman ang full time dad kayanin niya kaya. Tapos di ko sila pupuntahan ng anak ko kahit restday ko". Aba grabe g na g na siya nag bibilang na naman daw ako tapos kung anoano na sinabi. Set up kasi namin ngayon, dito muna kami ng anak ko sa parents ko tapos siya doon sakanila habang naghahanap kami ng malilipatan kasi bubukod na kami dahil ayaw sakin ng nanay niya kaya di ko maka sundo. May mali o may masama ba sa sinabi ko mga mii kaya ganun nalang siya nagalit? Ano ba dapat kong gawin? Sinasabi kasi ng isip ko hiwalayan ko na pero ang puso ko kumakapit parin. Fyi, 6mos palang kami ni LO and first time mom po ako.

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply