Cs to normal
Hello mga mii. Pwede mag magnormal delivery after cs? Kapag manganganak ako, 1 year & 8 months palang panganay ko. Pwede kaya magnormal? Pasagot naman po kung may case na ganito. Thank you.

Currently, 12 wks pregnant po ako ngayon. Sa first baby ko na-cs ako, and currently 1y8m na. Nag-ask ako sa OB ko, and yes pwede naman daw po pero may mga risks and criteria na dapat ma-meet. May possibility daw po kasi na ma-rupture yung tahi sa loob ng matres. Pwede pa rin naman daw namin i-workout, we’ll still try pero depende pa rin when that day comes. 😊 Reason na na-CS was pre-eclampsia nag120/100 ako at 38wks kaya nagschedule kami ni OB, ininduce ako nung una pero hindi nagprogress yung pag-open ng cervix.
Magbasa paDepende kung sayo or kay baby kaya ka nacs, tignan mo sa medical record mo yung take home na papers mo makikita mo dun kung bakit ka macs, kung dahil sayo mommy kaya ka nacs hindi na pwede pero may change siguro, pero kung dahil kay baby pwede ka nilang itrial ng labor gaya nung saakin, Ecs sa 1st baby 4 years pagitan Vbac sa 2nd baby😊
Magbasa panagtanong din ako before mga 1 month preggy pa lang ako. need ko raw ng clearance sa ob at hosp na na previous cs ako. tas sinabihan din ako ng ob na depende pa rin sa case saka humanap din daw ng ob na nag vbac. pero ako 5 yrs gap (2020 first cs ko, this aug lang ako nanganak) di pa rin ako inadvise na mag normal.
Magbasa papwede naman but depends pa rin sa ob mo kung siya rin nag papa anak sayo nong una at kung ano dahilan ng pagka cs mo,,, like me po cs ako sa panganay ko din 1 year old siya 2 months akong buntis kinaya nmn namin ng ob ko na mag normal.. Pero hindi lahat ng ob gagawin yan kaya huwag ka mahiya mag ask sa ob mo miiii.
Magbasa paKaka-anak ko lang nung Nov 11. 2 1/2 years pa lang ang panganay ko. CS ulit ako. Natanong ko rin yan sa OB ko before ako manganak. Hindi nya in-advise na mag normal kase 2 years pa lang ang last CS. Risk kapag mag normal ay pumutok ang matres sa pinaghiwaan kapag humilab ang tyan kapag nag labor.
ganyan din ako ako, cs ako ng una, tas nag ask ako ngaun sa pinag papa check up ko, , depende daw sa ob na magpapa anak sayo kung matapang sya i normal ka nya, pero kung mukha daw pera ob na magpapa anak sayo i cs ka.. ni real talk na ako ng doctor na pinag check up pan ko..😅
hinde nmn po sa pera yun tinitignan.. uunahin po xmpre ung kaligtasan nyo...
Ako po 5 years bago nasundan panganay ko ngayon sa 2nd pregnancy ko. Pwede naman daw ako mag normal pero risky since ang 1st born ko ay na ecs ako due to fetal distress. pag ganyan po yata na medyo di pa malayo agwat advisable po na mag Cs ulit.
basta kaya mo i normal pwede yan at safe, pero sa case mo na yan na halos 1 year and a half palang mula nung ma cs ka parang dekilado pa at pwedi mag bukas yan pinag sugatan mo sa tiyan
Ask to your ob. Meron n tintwag n VBAC vaginal birth after cs. Pero depende s nging case mo. If na CS k dhl ung pelvic mo d gnun klaki di sya advisable to do normal delivery.
ganto po ung akin na cs po ko diniretsho na ako ng oby-gyn ko if ever na mag kakaroon pa ako ng supling na isa maaaring ma cs ako ulit due to risk din at delikado na daw po talaga sakin manganak kasi nanganak po ko mataas po ang bp ko. Ftm din po ko inantay pa talaga ako mag normal kaso di na talaga kinaya gawa na di na nag open pelvic ko po
Yes, pero itatanong muna ng OB mo ano previous CS mo. yung hati mo sa loob not yung outer if pwede VBAC. Ako VBAC unmedicated sa 3rd ko nung September, 2 ECS previous.





Got a bun in the oven