Hello mommy!same problem sakin before. Try mo if magwork, ang ginawa ko nagbreastpump ako mga 5-10minutes pag feeling puno na ung breast pero busog pa si baby para daw matrigger ang brain natin n magproduce pa ng milk.Kumain ka mommy ng masabaw na ulam(tinola,nilaga,anything na may sabaw) and malunggay helped a lot.Halos may malunggay lahat ng ulam namin para magkagatas.Fresh buko juice din po nakatulong dumami ang milk supply after uminom talagang madami kang milk.Sleep and rest kung kaya, sabayan mo si baby kasi nakakabawas din ng gatas ang pagpupuyat at stress. Less caffeine or none kung kaya. Tapos feed on demand. Sa age ni baby,atleast until makuha ung goal na weight niya, need niya ng atleast every 2hrs. na feeding ,3- 4hrs maximum na hayaan makatulog, then, need gisingin para mapadede sa gabi. Make sure din po na naubos niya ang milk supply sa both breasts every feeding,eventually masasanay yung katawan sa routine,dadami ang milk, which is true, almost a year n si baby ko and BF padin til now. Hopefully this will help.Napakahirap po talaga, I feel you bilang napagdaanan ko din yan. Kaya mo yan mommy!
Magbasa pa