Vitamin K for Newborn
Hello mga Mi, ask ko lang sa may mga Newborn ngayon na nanganak sa public hospital if nabigyan ba si baby nyo ng Vitamin K bago lumabas ng hospital? Pansin ko kasi nung nahanap ko yung record ng vaccine ng panganay ko may Vitamin K na binigay nung pagkapanganak ko plng sa knya pero yung newborn ko ngayon Bcg at Hepa lang binigay. Ginoogle ko, mandatory at standard procedure daw na bigyan ang newborn sa Ph ng Vitamin K, bakit kaya wala man lang binanggit yung hospital at Pedia samin sa Hepa lang kami ininform na wala daw sila kaya sa Health Center kami nagpunta, kasi kung ganun sana nagpa vitamin k na din kami sa health center, 19 days na yung newborn ko ngayon.. Hindi din kami naadvise na need pala ibalik sa pedia for follow up ang Newborn after 7 days kundi ko pa nabasa sa Facebook..


