32weeks at masikip ang sipit sipitan.

Hello mga ka mommies, meron ba dito na 32weeks din sabi ng doctor na masikip daw po ang sipit sipitan ko na possible macs kasi baka di mag kasya si baby? anyone na may same experience? kaka pacheck up ko lang po kasi kanina ata nag IE si doc at ayun maliit daw sipit sipitan ko. Any recommendation kung anong magandang gawin? salamat po sa sasagot, nakakatakot ma-CS huhu#FTM

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Masikip din daw sipit sipitan ko sabi ni Ob kaya hindi bumaba 1st born ko nun, nag 10cm naman ako after 16hrs labor pero waley tlga. Ayun, na CS kasi mauubos na amniotic fluid ni baby. 3 yo na 1st baby. Ngaun naman, 34 wks preggy at nagpaschedule na ako ng CS sa Feb para hindi na ako hirap sa labor.

Magbasa pa

Ako mi, walang sinabi OB ko na maliit pala sipitsipitan ko. Ending, na Emergency CS, kasi di bumukas, hanggang 6-7cm lang, sobrang dami ng dugong lumabas na. Keloid pa man din skin ko pag nasusugatan, may malaking keloid tuloy sa CS area 🥲

Nag buntis ako sa panganay ko 3.7 kl sya hanggang 4cm lang sya 24hrs labor ang ending emergency CS dahil maliit ang sipit-sipitan ko ngayon 3year old na baby ko at buntis sa pangalawa manganganak ako ng feb 2026 for CS padin