Any suggestions naman po huhu

Hi mga ka-mommies! FTM hr. Share naman po kayo experience n'yo nong binyag ng mga babies n'yo. Kuha lang din sana ako idea hehe, as ftm di ako mapirmi kakaisip ano gagawin sa upcoming binyag kay LO next month. Gusto ko lang din sana yung simple pero elepante. eme Saka may question din po ako, may bayad po ba yon pag magpapabinyag? Saka pano pala process non pag kukuha ng baptismal cert ba tawag sa ganon? P.S: wala na po kasi ako parents na pedeng mapagtanungan and di po ako catholic kaya curious po ako pano ang process para makapag-ready, nag decide kami na sa catholic pabinyagan si baby since catholic si hubby.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa catholic po kami nagpa binyag kay baby. Di ko lang po sure kung parepareho ang requirements sa lahat ng catholic church, pero ito saamin: 1. Marriage Certificate namin(parents) 2. Birth Certificate ng bibinyagan 3. Atleast 1pair ng godparents (ninong/ninang) - dapat catholic - need ng baptismal certificate (then pwede kahit ilang ninong/ninang na, basta may isang pares na catholic at may baptismal cert) 4. Donation sa simbahan (kahit magkano ang maiabot namin) 5. Ibigay lahat yang mga needs atleast 1 week before ang gusto nyong binyag date

Magbasa pa
7d ago

and wdym na need ng baptismal cert, kami ba ni hubby? saka pano kukunin yung baptismal birth ni LO? and pano pala 'yon if di pa married? sori daming tanong hehe