3RD TRIMESTER STRESS ANXIETY

Kung kailan malapit na ko manganak 32 weeks na ko. yung partner ko dinurog pagkatao ko. pangalawang anak na namen to and he said na wla pa ko napapatunayan. still comparing me sa iba. . naiinggit daw sya sa mga partner ng iba. hindi niya daw ako maipagmalaki. ang sakit sakit. wla daw rason para pakasalan niya ako. . sobrang stress binibigay niya sken. di ko na alam san pa ko lulugar, ngayon tinatak niya sa isip ko yang mga sinasabi niya. . sinabi pa niya na mapapakasalan niya lang ako pag may napatunayan na daw ako. porket nakapag abroad lang sya . dati naman halos naitulong ko ren lahat sa kanya never sya naka reinig ng sumbat sken. ngayong di ako capable at buntis ako maggaganyan sya sken. mag 1 yr palabg sya sa june sa taiwan. .hays. sobra na stress. iniisp ko na sana ung baby nalang mabuhay. . ako kahit di na . . nakakapagod na mag isip.#Needadvice #askmommies

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mi, hindi ka din nya deserve. Hindi ba nya alam kung gaano kahirap magbuntis at maging ina. Ang pagpapakasal din ay hindi pinipilit. Buti hindi pa kayo natatali lumabas na ugali nya. Ang sama nyang tao, wag nya lang ipaparinig yan sa harap ng anak nyo. RESPECT is one of the foundation ng good relationship, kung hindi nya maibigay yun sayo then he is not the one for you. Magiging kawawa ka lang sa pagsasama nyo, pati ang mga anak nyo kapag lumaki sa pamilyang walang respeto. Know your worth. Be strong for your children.

Magbasa pa

Mommy, hindi mo deserve yung ganyang treatment lalo na dinala mo ang dalawang anak niya. I hope you find the courage to love yourself and your babies more to leave him. Wag natin ipagsisiksikan sarili natin sa mga lalakeng hindi tayo naaappreciate. Hindi natin sila kailangan. Women can do a lot of amazing things than we know. Kung makita lang natin ung courage na kailangan natin to achieve that. Pray lang to guide us. Pero ung ganyang lalake is iniiwan. Hindi pinagtitiisan. Deserve natin maging masaya 🤍

Magbasa pa

be strong po 💪 minsan kasi ginigising tayo ni lord dahil nasa maling tao tayo,. pero wag ka mawalan ng pag asa, kayanin mo! magdasal ka lagi yun ang mag bibigay sayo ng lakas at peace of mind sya lagi kausapin mo gagaan lahat lahat ng mabibigat sa puso mo, alalahanin mo yung dinadala mo ngayon ikaw ang lakas nya,. ingatan mo ❤ soon giginhawa din ang lahat, tiisin mo muna ang lahat darating ang panahon magiging okay na ang lahat, ingat ka lagi ❤ may awa ang dyos 😇🙏

Magbasa pa

hiwalayan mo yan. hindi madali pero dapat kayanin mo pero wag ka papayag na wala syang sustento dapat may kaasunduan kayo para sa bata. kasi kung isisiksik mo sarili mo sa knya ganyang klase lang nang lalaki ang kakamulatan ng anak mo. mas maigi na makamulatan nya walang ama baka maging mabuting tao pa anak mo keysa may ama nga sya pero ganyan klaseng tao baka makuha nya pa ugali ng tatay nya kasi akala nya normal yun. better to think trice at laging isa alang alang ang anak.

Magbasa pa

be strong po, and always pray, ❤️ always pray for your safety and your baby. if ever po na d magbabago partner nyo just think his just a sperm donor to you 😅. and kayo po magbago ng partner.

mag agwanta Kaman kasakit rba manganak nya mamatay rata anang mga laki na way au ako nimo pa pa exita ang tao d cya dsurv