Bubukod o hindi?

Gusto ko po sanang bumukod na kasi lahat ng nababasa ko sinasabing mas masarap ang nakabukod kayong mag-asawa kaysa nakatira sa magulang/byenan. I am married with a 3yo kid and will give birth to our second child next year. Nakabukod naman kaming dalawa noong kinasal kami. Pero simula nung nanganak ako, nakatira kami sa house kasama ang Nanay at Tatay ni hubby para may magbabantay sa anak namin. Working kami pareho. Hindi ko po mabitawan ang work ko kasi mas malaki po ang sweldo ko kaysa kay hubby. Hindi din nagiging option na si hubby ang magresign lalo’t kami ang sumusupport sa parents nya. Wala naman pong problema hindi naman po kami nag-aaway ng in-laws ko. Mababait po sila at todo asikaso. Kaso gusto kong maranasan, kahit mahirap, na ako yung nag-aasikaso sa mag-ama ko. Magluto, maglaba, maghanda ng gamit nila. Minsan gusto kong kumilos kaso aakuin din nila yung gagawin ko. Hindi ko sure kung paano ko itake yung ganun. Isa pa, hindi ko maimplement totally yung gusto kong discipline sa anak ko kasi pag wala ako, yung rules naming mag-asawa hindi nasusunod (example: kumain sa mesa lang) At kahit wala silang sabihin ay nakaka-ilang kasi na may kasama sa bahay lalo na po sa personality ko kasi hindi ako mahilig sa social interaction at gusto ko tahimik lang ang bahay. Kung financially po, magiging tight budget pero tingin ko naman bumukod at kumuha ng yaya para sa bata. Kaso hindi po kami tiwala na yaya lang ang bantay kasi baka kung anong gawin sa bata - saktan sila o itakbo. Ito po ang main reason bakit kasama namin sila. Saka dodoble din ang gastos kasi kahit nakabukod ay supported namin ang in-laws. So kung dalawang bahay, dalawang meralco, maynilad at internet bills yun. Kaya gusto ko sana malaman kung may kapareho akong sitwasyon at kung ano ang mapapayo ninyo.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mommy, relate ako sayo. Bale sa sitwasyon ko naexperience ko tumira parehas sa inlaw at sa pamilya namin side ko, may 2 bata ako baby at 2 yrs old. Parehas na may mga di ako gusto pero generally okay naman. Sige yung pinaka di ko gusto ay yung pagkain at panonood sa phone. Bale sa pagkain ayaw ko ng lahat ng junk food mapabiskwit processed tulad ng hotdog, burger at matatamis na Kendi at Chocolates. Eh pinapakain ng mga lola lalo kpg di ako nakatingin. Pero bihira lang. Pero ayaw ko pa rin talaga. Both financially tumutulong kapag kailangan. Ok naman pakitunguhan pero di perpekto. Meeon pang ibang pros at cons pero yan na lang... Kung ako sayo mommy subukan mo bumukod para wala kang pagsisihan at ihire si in law na magyaya kasi ang punto lahat ng diskarte mo PWEDE SA SARILI MONG TAHANAN. Yan yung Kalayaang makukuha mo. Saka kapag nag mommy ka mga 10 yrs lang depende sayo, ang itatagal ng bata sa puder mo dahil pagmalaki na sila hahanap na sila ng sarili nilang buhay pangarap atbp. Parehas kong naranasan makitira at bumukod, mas masaya bumukod at may kasamang yaya. Haha. POV ko lang po ito. Sana mima may napili ka ng desisyon. 😊 Nakakabwisit yung nagcomment sa taas. Dami pang sinasabi.

Magbasa pa

kung wala ka nmn prob sa inlaws mo better stay lalo kung sasalohin pdin ng asawa mo gastos...ma double lang kayo eh nung una ganyan rin kmi ni husband ko una sa parents nya tapos sa parents ko try nmin both side bago kmi bumukod ng sarili nmin ayun mas gumaan nga nmn kc wla kmi problema kung di mga sarili nmin panay parinig ang inlaws ko sa husband ko na suportahan sila pero matigas kc ung asawa ko .. sabe nya priority ko ang pamilya binuo ko ...bakit obligation ko pa kayo eh pareho nmn sila my maayos na work before at now nag pension na sila... malakas padin nmn sila...at hindi lng nmn sya ung anak bat sa kanya lang aasa. porket sya ang my malaki kita sa lahat ng magkakapatid..bias rin kc inlaws ko kung sino my pera dun sila ...ang sistema kc kung bubukod kayo sa inyo lang mag anak iikot ang lahat dpat walang kapatid or magulang na iindihin... pero sa case mo parang di kaya dahil wala susuporta sa parents ng husband mo wala bang pension mga yan bat naka asa pa sa anak para sa living expenses...wala rin ba work before yan wlang ipon para sa sarili nila

Magbasa pa

that was also my thinking before. nakahanap na kami ng house to rent. kaso hindi kami natuloy sa paglipat. nakatira kami sa in-laws ko. working kami ni hubby. hindi rin makakapagresign ang isa samin due to our budget. in the end, nakatira pa rin kami sa in-laws ko until we have 2 kids now. sobrang bait din nila. it is convenient for us dahil tiwala kami sa magbabantay sa mga anak namin. our budget is not affected especially we have plans pa for the future. hindi naging tight ang budget namin. until now, this situation is ok. especially now na mas hirap ako sa 2 bata, may tumutulong sakin. ok nung 1 anak namin, pero nung naging 2, dun ko naramdaman na mas dumami ang responsibility kaya i am so grateful na may support system. lalot mas malikot ang 2nd born ko. ahehe. this is our experience and for my mental health.

Magbasa pa

mi para sakin since okay naman inlaws mo which is extra help specially kapag nakapanganak ka for me siguro stay ka nalang muna , think about yourself your mental health lalo at aanak ka nga post partum is not a joke po , lalo na may toddler ka , for sure pagod malala ka nyan since solo mo lahat ng house chores nyan and may baby na parating siguro okay magbukod kayo if you are fully recovered na physically and mentally after giving birth. Bukod kami ni Hubby ever since with our 2 yrs old and currently pregnant with 2nd child iba yung pagod and hormones but extra hands means a lot lalo di pwedeng palaging kasama si Toddler sa check ups and mas okay if may magbabantay sakanya pagka panganak mo for you to recover narin , syempre newborn baby is puyatan talaga you also need a hand to rest and para may bantay kay toddler

Magbasa pa

wala naman palang prblema sa in-laws mo, wala din problema sa budget, wala din problema sa pagkilos, nakikipagtulungan sila, nakikipagtulungan kayo, wag ka na gumawa ng isang bagay na pagsisisihan mo, tama na ngang lola at lolo nag aalaga sa anak mo, gusto mo yata ibang tao pa na dimo mapagkakatiwalaan. Di kita gets. bubukod, for what? Pwede mo din naman ipagluto at asikusahin asawa mo haha, diko gets mga taong naka-set na at may maayos ng sitwasyon, humahanap parin ng butas. isa pa atecco, walang perfect na buhay, wag ng sobra sobra ang hinahangad, nasa maayos kang sitwasyon, yun ang isipin mo. Wag ka ng paratot na kung ano ano nalang maisipan.

Magbasa pa
2w ago

Hindi yung point of view mo ang pinagka warfreak mo kundi yung way ng pagkakasabi mo. My gosh kahit sa oxygen kinulang yata developing brain mo. Hahaha!

Bii madami kang gustong gawin pero syempre need mo isakripisyo ang work mo kung tlagang gsto mong bumukod at magampanan ang pagiging asawa at ina hnd mo magagawa lahat yn kng may trabaho ko lalo na ikaw na nagsabi na mhrap nmn din iasa sa yaya kng sakali hindi ba, ang pagiging ina ay isang sakripisyo kung tlagang gsto mo wag kang manghinayang may mga bagay tlaga na igigiveup saka mabait naman inlaws mo besides wla kng problema dpat dhil sa gsto mong maranasan naka bukod isacrifies mo ang work mo para magampanan lahat ng wants mo yun lang just saying godbless naway masulusyunan mo ang iyong problema . 🥰

Magbasa pa
3w ago

Thank you mi , very helpful ang reply mo

Kung mabait nmn po in laws nyo mas okay po magstay muna kayo jan kasi mas mahirap po magiging dalawa na anak nyo. Mas okay po may katuwang kayo. Tama po na mahirap tlga mkakuha ng taong mapagkakatiwalaan sa anak ngayon ksi madami na masasanang tao tlga. Kung mabait nmn mga in laws mo tiis nlng muna kayo jan.

Magbasa pa
VIP Member

Depende. Ako nung una ganyan ang gusto ko AHAHAH. Ung tipong home maker ako sa sirili ong tahanan. Kaya kinulit ko asawa ko na mag bukod kami. Pero pagworking ako ganon din, sa inlaws ko rin iniiwan ang anak ko. Kaya depende.

3w ago

Lalo ngayon 2 kids na ako haysss.. prang gusto kong patirahin inlaws ko sa bahay hahaha ababaliw ako

wala dn problema sa inlaws ko pero may nirerent kami at minsan dito dn kami sa byenan ko natutulog like ngayon sunod sunod ang trabaho kaya dito muna kami.

i feel you mi :( pero unahin nalang muna natin safety ng mga kids natin as of now. mas palawakin pa natin isipan at damdamin natin.