38weeks na ako buntis bawal mag labor dahil cs ulit ako
38 weeks na po ako buntis nung January 7 2026.. Follow up check up ko po ng ospital ng January 7,2026 at ie po ako doctor na gamit gloves at parang betadine. - fabella manila po ospital at taga Muntinlupa po ako - pag uwi ko bahay para my Dugo konti mga 4pm or 5pm po yun kaya nag husgas ako at nagpalit ng panty then po mga around 8pm ata or 9pm. Meron ulit dugo , yung Dugo na may pag kabrown then umaga ng January 8,2026 marami na dugo na brown kaya nagpalit ako panty again at nag husgas at nag lagay po ng pantyliner . Sumasakit na po tiyan ko hindi pa nag follow up check up ng January 7,2026 , nahinto naman ito lalot nainom ako maligamgam tubig at tinutulog ko po siya at meron lumabas na white na medyo malapot at walang amoy medyo marami then naiihi lagi ako at natatae . Hindi ko sinabi ito sa doctor ko nung nag follow up na ako check up ng January 7,2026. Ngayon po back ulit tayo . After nga po ng umaga ng January 8,2026 , sumasakit na tiyan ko na para bang hindi ako mapakali na mabigat , at natigas tiyan ko then natulog ako sumasakit tiyan at balakang hindi nawawala kahit uminom ako ng maligamgam at para ako naiiyak at nasusuka , sige rin galaw ng baby ko then po mga 3:30pm hapon ng January 8,2026 medyo marami. Na may dugo parin at hanggang gabi medyo konti na lang at hanggang ngayon umaga January 9 meron parin konti ilan beses na ako papalit pantyliner. At ngayon January 9 medyo masakit na lang tiyan ko kasi nawalan konti ng January 8,2026 ng 4pm. Ngayon January 9.. medyo may dugo as in konti , nagalaw baby ko at para siksik sa baba. Bawal po ako mag labor dahil schedule ako cs nf January 12,2026 ng 8am.. at nakapwesto na baby ko at higit sa lahat cs ako nung una baby ko hindi ri. Ako pinalabor at wala pa specific na schedule ako nun sa cs. Basta wag lang daw aabot ng march katapusan at breech baby ko nun at magkaiba ospital yung una ko sa ngayon. Sabi ko sa doctor kung baka peede po normal ko sabi niya hindi peede dahil cs ako una at bawal ako mag labor. Yung mga kwento ko ba ay naglalabor na ba ako?? Or hindi pa. Hindi kasi ako nakaranas maglabor kaya hindi ko po alam Salamat sa sasagot.

