Hindi pa nakakalakad mag isa

11 months na po yung baby ko pero hindi pa nakaka lakad or nakakatayo ng hindi hinahawakan, tinatawag po kami ng mama or papa, hindi pa po siya gumagapang pero nakakapag tummy time naman po siya at gulong. Marunong na po siya gumagaya ng mga kilos. Nag woworried lang po ako, ano pong gagawin ko mga mommies?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi mommy. parehas po tayo 11mos na si baby. pero hayaan muna natin sila kasi may sarili silang timeline 🥰 yung baby ko nabigla nalang kami nung tumayo siya ng sarili niya. kaya na realize nmin na may pagkukusa siya kung kelan nya gagawin 🥰

2y ago

wow galing naman ni baby, yung baby ko po kasi magaling siya sa pag Gaya ng words, at gestures. pero hindi pa nakakapaglakad at tayo ng walang guide namin. pag hinahawakan siya tiptoeing lang yung step. Pero marunong siya mag balance na nakatayo ayaw lang mag step.

kung worried ka mii pacheck up po. kanya kanya ang babies pero para sa ikakampante mo yung doktor mag assure sayo na normal ba or medyo late lang. hindi po gumagapang mii? umuupo naman po ba ng kusa without assistance po?