Change OB 1 month CS
Hello, 1 month PP CS here. Nanganak po ako Dec. 10 via CS. Yung bleeding ko po, nagstop yun Dec. 22, then Dec. 24 nagstart po ulit nang medyo heavy flow at dark red pero hindi naman nakakapuno ng pad. Since po nun may bleeding pa din ako pero medyo mahina nalang sya and nagpinkish na yung blood. Ang kaso po, nitong Jan 14, lumakas nanaman yung flow, same nung Dec. 24. 2x lang po ako pinabalik sa OB after manganak, yung una, nilinisan lang yung tahi ko then check. Midwife na po yung nagcheck kasi mali po yung schedule na bngay saken ni OB. Then nung 2nd na balik, wala po si OB so si Midwife pa din ang nagcheck ng tahi ko. Tuyo na po yung tahi ko kaya sabi nya, iinform nalang nya si OB and kahit wag na daw akong bumalik. (Public hospital po) Gusto ko sana ipacheck-up yung bleeding ko, nagwworry ako kasi 5 weeks PP na ako pero parang walang improvement yung bleeding, pero gusto ko sana magchange ng OB kasi sobrang hirap hagilapin nung OB na nag-CS saken at lumipat dn kami ng area kaya medyo mahirap yung byahe. Pwede po kayang mag-change ng OB kahit CS ako? And dapat na po b akong magworry sa bleeding ko?



