Totoo po ba na if blooming si mommy, girl ang pinagbubuntis and if not, boy??🥴
True ba mga mamshies?? Kasi I've been reading a lot of stories lately about "haka hakas" whether you are carrying a boy or a girl. Some say na if girl naman she steals your beauty daw. I know utz is the best option to know for sure pero I want to know your thoughts about this? Just something fun to talk about. Hehe Thank you!💓#pregnancy #bantusharing #ingintahu

Haha.Almost say nga po na kapag lalaki daw pinag bubuntis na hahagard daw po peslak haha Pero bat ako naman po lalaki pinag bubuntis still blooming paden daw po😂 kaya akala nila babae anak ko dipende po ata sa nag dadala eh hahaha😂
girl po baby ko and nakaranas ako ng hormonal changes. di po ako tigyawatin at maitim pero nung nagbuntis ako naglabasan sila and kung ano ano po lumabas na kati at acne sa katawan ko. naging blooming ako nung mabubuntis na pala ako haha
Medjo totoo po , kc blooming daw ako now unlike sa dalawang nauna kong anak na ang tapang ng mukha ko 😅 , lalaki yung dalawang naunang anak ko , ngayon baby girl naman ,last week ko lang nalaman na baby girl ang pinag bubuntis ko now
ako naman baliktad dami nagsasabe na blooming daw ako kaya Girl nga daw si baby.Blooming pero grabe ang morning sickness gang mag 18 weeks ako meron pa din.Nung nacheck ko na It's a boy.So I think nasa pagbubuntis lang talaga 😊😊
Based sa mga nababasa ko and kung scientific basis lang din naman eh depende talaga kung gano kagalit ang raging hormones nating mga preggy mommies. Boy man or girl, basta healthy and safe delivery ❤️ Keep safe, mga pretty mommas!
depende po ata un kasi yung pinsan ng asawa ko na babae Maputi siya and maganda nong wala pang anak pero nong nabuntis na siya sa 1st baby nong pinagbubuntis niya umitim siya nag iba mukha niya na diko ma explain pero girl anak niya
Sakin yes, kasi sa 1st born blooming at hindi nangitim kilikili ko babae siya. pero dito sa baby boy ko grabe almost 5mos ko ininda ang sakit at tigyawat ng mukha ko. hahhah pangingitim ng kilikili at leeg super. hahhah kaloka 😂
Dipende siguro mamsh. Ako kasi hindi ako ganun nahaggard, sabi nila always blooming daw ako at walang nag bago sa physical appearance ko. So expected nila babae daw baby ko. Pera its a boy po. Kaka paultrasound ko palang. hehe skl
Ako pumangit. Umitin kilikili pati leeg. Tapos lumaki ilong. 😂 Pero baby girl ang daladala ko. 💜 It's ok naman, importante nagkababy, healthy ako at si Baby. Papa blooming na lang ulit after makapanganak. Hehe. 🥰🥰🥰
totoo cguro..haha .kc nung 1st ko boy nangitim lahat ng may sulok gang leeg..ang haggard pa laging tignan..now sabi ni hubby bat daw ang ganda ko lagi..di gaya nung una.. cguro daw babae..ayun nga babae nung nag ultrasound kami..


